Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mariel nagnegosyo para kumita ng extra: Nahihiya ako kay Robin kasi…

“MAY pera sa baka, negosyo ni Cooking Ina” ang episode title ng vlog ni Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang YouTube Channel na in-upload niya nitong Miyerkoles ng gabi.

Dito ipinakita niya ang unang negosyong itinayo niya — ang pagbebenta ng imported na baka mula sa mga bansang Australia at Brazil. Ito ang kuwento niya nang maka-chat namin sa Instagram.

Ang ino-offer ni Mariel na may timpla na ay ang Premium Australian Rib-eye grass-fed Halal steak at Brazilian Picanha aged and seasoned na talagang best-seller daw.

Originally ay negosyo ito ng grandparents ni Mariel na nakatira sa Ayala Alabang kung saan din tumira ang wifey ni Robin Padilla simula noong nag-aaral siya hanggang sa nakapasok ng showbiz at lumipat lang ng bahay noong nag-asawa na.

Kaya nakalakihan na ni Mariel ang pagbebenta ng baka ng lolo at lola niya na noon pa ay ipinamamana na sa kanya pero dahil nga kaliwa’t kanan ang projects niya sa showbiz kaya hindi niya ito nahaharap.

Pero ngayong panahon ng COVID-19 pandemic at mahina ang kita sa entertainment industry kaya nag-branch out na si Mariel at sabi nga niya, “Gusto kong maging CEO (chief executive officer) ng sarili kong business.”

Kuwento pa niya, “I recently launched may Cooking Ina Food Market YouTube channel para doon kayo mag-order sa akin.

“How this started? I’ve been watching so many episodes of Unlad Kaagapay sa Hanapbuhay sa NET 25 because Robin is hosting it.  So ang daming inspiring stories who really inspired me to start my own business.
“Bilang nagwo-work from home ako, housewife ako, stay at home mom pero at the same time gusto ko kumikita ako. Gusto ko, nakakapag-earn ako ng sarili ko (pera).

“I grew up with my lolo and lola every single day ‘yun and up to this day nagtatrabaho sila, hindi sila ‘yung parang tamad. So kaming dalawa ng sister ko (Kaye Garcia, manugang ni ABS-CBN consultant Freddie M. Garcia) very goal-oriented kami, talagang gusto namin mayroon kaming ginagawa,” paliwanag ni Mariel.

Aminado pa ang TV host na hindi madaling magsimula ng negosyo dahil nga malaking puhunan ang ilalabas mo at hindi naman sigurado kung mababalik kaagad ito lalo pa’t meron pa ring pandemya.

“Hesitant ako all these years na mag-business ako, until now nag-decide ako and what gave me that decision, one I’ve always wanted to do it tapos dream talaga ng lolo at lola ko na ipagpatuloy ko ‘yung business nila.
“And ‘yung next thing kasi ‘yung school kung saan ko gusto i-enroll si Isabella eventually is the same school kung saan nag-aaral ang mga anak ng ate ko, ang mahal ng tuition!

“So, nahihiya ako kay Robin. Nahihiya ako sa asawa ko na, ‘o ito ‘yung tuition fee.’  E, ito talaga ang gusto ko na doon sila mag-aral kasi meron akong dreams for them, gusto ko may maimbag ako, gusto ko mayroon akong masi-share para walang kahit sinong tao ang makakapagkuwestiyon kung bakit sa ganu’n school pumapasok ang mga anak ko.

“Lalung-lalo na ang mga kids ko na makikita nila na si nanay at si tatay work so hard para makapasok kami sa mga school na ganito, so mag-aaral sila nang mabuti. Lahat naman ng magulang gustong mag-aral ng mabuti ang mga anak kasi ito lang naman ang maipapamana natin,” kuwento pa ng wifey ni Robin.

Samantala, ipinakita ni Mariel ang nabili niyang mga freezer para sa lagayan ng panindang baka na tigdalawang layers na lang ang laman dahil lagi silang soldout.

Sa simula ay itinuro ng lolo ni Mariel sa kanya kung paano kina-cut ang beef na malatrosong maliliit ang itsura gamit ang meat slicer at ang pagtitimpla nito bago ilagay sa plastic. Hindi na binanggit kung anu-ano ang iba pang secret ingredients nila.

“Timpla po ito ng lolo ko, marami po sa old customers ng lolo at lola na sabi n’yo nami-miss n’yo ang steak nila. Ito pa rin ‘yung timpla ni lolo, style niya pero meron akong Cooking Ina factor, cooking ina quality so parang improved version ng premium quality steak,” paglalarawan pa ni Mariel.

At ang ibinigay na payo ng lolo ni Mariel, “Sabi niya sa akin  kapag umulit daw ang customer, ibig sabihin okay na ako. Kaya sobra po akong tuwang-tuwa kasi nag-uulit po lahat ng customers ko.”

Inaabot naman ng hatinggabi sa paglilista ng orders si Mariel dahil ito ang peak hours ng mga nagpapadala ng mensahe sa kanya para kinabukasan ay ipapa-deliver na niya agad.

“Pinagpipiyestahan ako ng mga lamok (maraming lamok sa hallway nila), pero worth it dahil I’m happy to serve all of you,” sabi pa.

At sobrang natuwa si Mariel dahil marami raw inorder si Vice Ganda sa kanya na ipinamahagi rin nito sa mga kapatid at pamilya nila.

The post Mariel nagnegosyo para kumita ng extra: Nahihiya ako kay Robin kasi… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments