GUMAWA ng tula ang TV host-actress na si Angel Locsin bilang paggunita sa araw ng pagpapasara sa ABS-CBN isang taon na ngayon ang nakararaan.
Nag-post sa kanyang Instagram account ang Kapamilya star ng ilang litrato na kuha nu’ng mismong araw na inilabas ang cease and desist order sa pamamagitan ng National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN.
Sinabi ni Angel na sariwa pa rin ang sakit at hapdi dulot ng sugat na sugat na dulot na pagpapatigil sa operasyon ng kanyang mother network noong nakaraang taon.
Ngunit ayon sa award-winning actress, ginawa pa rin ng istasyon ang lahat ng paraan para makabangon at makapagbigay ng serbisyo at trabaho sa sambayanang Filipino.
Narito ang kabuuan ng nilikhang tula ni Angel na tinaguriang real life Darna ng Pilipinas.
“Isang taon na ang lumipas.
“Pero ang sakit ay hindi lilipas.
“Hirap man, pero kailangan pa ring bumangon.
“Para sa tao.
“Hindi man maintindihan ng iba ang nasa puso,
“Patuloy pa rin sa pagbangon.
“Hindi susuko at patuloy na lumalaban.
“Dahil para sa tao.
“Laging para sa tao.”
Nauna nang nagpahayag ng kanilang saloobin at mensahe ang iba pang Kapamilya stars para alalahanin ang makasaysayang pagpapasara sa ABS-CBN kabilang na riyan sina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, JM de Guzman, Angelica Panganiban, Karen Davila, Bernadette Sembrano at marami pang iba.
The post Angel gumawa ng tula bilang paggunita sa ABS-CBN shutdown: Hindi susuko at patuloy na lumalaban… appeared first on Bandera.
0 Comments