Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Bea nagpagawa ng bonggang gym sa bahay; may pakiusap sa mga bashers

ANG bongga naman pala ng sariling gym na ipinagawa ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo sa kanyang bahay.

Inilibot ng dalaga sa kanyang bagong renovate na home gym ang fans at mga followers niya sa social media sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube.

Kuwento ni Bea, ang nasabing lugar ay dati nilang family room na talagang ipina-renovate at ipinaayos niya para ito’y maging “more functional space.”

“Of course you want to live a healthier lifestyle lalo na at may virus sa paligid natin,” chika ng aktres sa kanyang vlog.

Makikita sa napakalawak niyang home gym ang multi-functional squat machine, exercise balls at rowing machine. Meron din siyang  weights, kettlebells, dumbbells, treadmill, stationary bike at pulang punching bag.

At in fairness, may bar table at mga stool din sa kanyang gym, with matching kitchenette pa, napakalaking TV at mga halaman, na nagpapatunay na talagang certified plantita na rin ang dalaga.

Chika pa ni Bea, “Para sa mga basher, bago kayo mam-bash, yes, I’m working on my body. I think I’ve lost a little but I know that masyado pang malayo ang goal ko.

“But body positive tayo. I love my body and I love that I can do all the things that I want because of this vessel,” paalala pa niya sa kanyang mga tagasuporta at tagasubaybay sa YouTube.

Ipinasilip din ni Bea sa madlang pipol ang kanyang mini studio kung saan siya nagyo-yoga at nagpi-pilates.

“This little room used to be my mini gym but I actually turned it now into a mini studio. I will be doing yoga here or pilates.

“Lahat na ng walls ay ginawa ko na ng mirrors, because nga parang I want to be able to do different things and check on my posture and my form,” kuwento pa ng aktres.

Lahad pa niya, “I know I don’t look like your typical gym buff gal, but I’ve been trying to work on my body not just for aesthetics but more importantly, for my health.

“I think lahat naman tayo ay mag-aagree kapag sinabi kong HEALTH is our main priority these days,” aniya pa sa description ng kanyang gym vlog.

The post Bea nagpagawa ng bonggang gym sa bahay; may pakiusap sa mga bashers appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments