IBINUKING ni Andrea Brillantes ang mga bagets na pumorma sa kanya sa “Sagot o Lagot” challenge kasama ang ka-loveteam niya sa “Huwag Kang Mangamba” na si Seth Fedelin.
Sa naturang challenge, ang ayaw sumagot sa tanong ay parurusahan sa pamamagitan ng pag-inom ng cooking oil, vineger, hot sauce at iba pang condiments.
Nang matanong si Andrea kung sinu-sino ang mga young celebrities na nag-try manligaw sa kanya, hindi umatras si Andrea sa hamon.
“May mga celebrity na ba na nag-try mag-make ng move sa ‘yo? If yes, sino?” tanong ni Seth kay Andrea.
“Oopps, hindi ko iinumin ‘yan para sa mga yun – si JK (Labajo), Darren (Espanto) at Grae (Fernandez),” ang walang kagatul-gatol niyang sagot.
“Nag-try manligaw?” Seth asked.
“Oo,” sagot ni Andrea.
“Shoutout sa inyo. Pine-flex kayo ni Blythe,” say naman ni Seth.
“Sino pa ba?” tanong ni Andrea sa sarili.
“Ang dami, ha. Ang dami,” hirit uli ni Seth.
* * *
Maraming ginulat si Ion Perez nang mag-report siya sa “It’s Showtime”.
Naloka kasi sila sa bagong look ng dyowa ni Vice Ganda. Super iksi ang hair nito at may kulay pa.
Super shocked nga raw sina Vhong Navarro at Karylle at maging ang iba pang cast members ng Kapamilya noontime show.
“Uy, si Ion ba ‘yan?” ang hindi makapaniwalang-tanong ni Vhong.
Sagot naman ni Karylle, “Akala ko si Justin Bieber!”
Sa Instagram account ni Ion ay puring-puri naman siya ng kanyang followers.
“Zayn Malikmata!” say ni Ion sa kanyang post sa Instagram.
“Buti nalang ginupitan ka ng misis mo mas lalo kang gumwapo.”
“Ang hot mo.”
“Lab namin kau ni meme!!!!”
“Bakit ang gwapo gwapo mo Ion?!”
“Nagpakulay? Yiee gwapo mo.”
“Bagay talaga kayo ni mommy vice.”
“Omaygad HAHAHAHA eyyy!! Si meme vice @praybeytbenjamin pala talaga ang Gigi Hadid ng Pinas.”
“Omg napaka gwapo mo talaga sa blond.”
The post Andrea tinangkang pormahan nina JK, Darren at Grae; Ion nagbago ang itsura appeared first on Bandera.
0 Comments