INUNAHAN na ni Megastar Sharon Cuneta ang mga bashers na magkokomento na photoshopped lang ang kanyang latest photo sa Instagram.
In fairnes, maraming napa-wow nang makita nila ang katawan ngayon ng singer-actress dahil very obvious na ang resulta ng kanyang fitness journey na ilang buwan na rin niyang kinakarir.
Sa kanyang IG page, ipinost nga ni Shawie ang litrato kung saan nakabandera ang kanyang slimmer figure with her long-sleeved shirt and black pants.
“Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day!” ang caption ni Mega gamit ang hashtag na #noeditinghuwaw. Meaning, walang in-edit o binago sa kanyang litrato.
Sunud-sunod naman ang mga positibong comments na natanggap ng OPM at movie icon mula sa kanyang fans and followers kabilang na ang mga friends niya sa showbiz. Kahit ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan ay napa-comment sa kanyang post at tinawag din siyang “sexy.”
Sey ng kaibigan niyang original Concert Queen na si Pops Fernandez, “You look great!”
Comment naman ni Ara Mina, “That’s my Ate. So sexy na.”
Sey ni Alex Gonzaga, “Sexy!!!!!.”
“Beautiful,” ang maikling comment naman ni Mariel Rodriguez-Padilla.
“Looking great mama!!!” sabi naman ni Jackielou Blanco.
Last January lang, proud na proud na ipinost ni Sharon sa IG ang kanyang swimsuit photo habang nasa swimming pool. Dito, ibinandera niya na malaki na talaga ang nabawas sa kanyang timbang.
“I haven’t been a 10 in many years. My normal size when I was thin was 6 or 8 and I would panic na ‘pag 8! Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs,” caption ni Sharon sa nasabing IG photo.
Samantala, magbabalik-telebisyon na rin si Mega para sa bagong season ng reality talent competition na “Your Face Sounds Familiar” bilang isa sa mga judge.
Makakasama pa rin niya rito as judge sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid habang ang 10 celebrities naman na maglalaban-laban this year ay sina Geneva Cruz, Jhong Hilario, Klarisse de Guzman, Christian Bables, CJ Navato, Vivoree Esclito, Lie Reposposa, and iDolls trio Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario.
The post Celebs, netizens ‘napa-huwaw’ sa kaseksihan ni Sharon: #NoEditing appeared first on Bandera.
0 Comments