Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Pacquiao tinupad ang promise sa anak ni Mega; Sharon may request na gift kina Manny at Jinkee

TODO ang pasasalamat ni Megastar Sharon Cuneta sa nag-iisang Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao.

Wala raw kasing katumbas na halaga ang kaligayahang naramdaman ng bunsong anak nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Miguel dahil sa “regalo” ng kanyang Ninong Manny.

Sa kanyang Instagram page, pinasalamatan ni Mega ang tinaguriang People’s Champ dahil sa ibinigay nitong boxing glove sa anak.

Ipinost ng movie at OPM icon ang ilang litrato ni Miguel sa IG kung saan hawak nito ang boxing glove mula sa kanyang Ninong Manny na with matching pirma pa ng senador.

“My son Miguel is over the moon right now! His godfather/ninong Sen. Manny Pacquiao sent him his promised autographed boxing glove!” bahagi ng caption ng Megastar.

“Thanks so much, Pare and Mareng Jinkee!!!” aniya pa na ang tinutukoy nga ay ang butihing asawa ni Pacman na isa na ring YouTube vlogger ngayon.

Dagdag chika pa ni Shawie, “Ako pare at mare ‘pag nag-isip kayo ever ng ano ba puwede i-gift sa ‘kin, puwede makilala ko lang si Keanu Reeves tapos handa na ako kunin ni Lord! Hahahaha!”

“Thanks so much for making my son so happy! We love you!!!” chika ng singer-actress-TV host.

Si Miguel ay ang adopted child nina Sharon at Sen. Kiko na one-day old pa lang ay nasa pangangalaga na nila.

“When someone said that there was a baby, it was a boy, hindi na ako nag-isip nang dalawang beses. I didn’t even see a picture of him.

“Hindi ko alam kung may diprensya siya, kung hindi sampu ‘yung daliri niya. I didn’t even ask.

“Ang akin was it was the right time kasi I was shooting ‘Mano Po’ and ‘yung anak ko doon na baby, patay na patay ako sa kanya. I really said na, ‘Sana akin na lang ‘tong baby.’

“I was ready for a baby boy. So when someone said that there was a little boy, sabi ko lang, ‘That’s my son,’” ang pahayag ni Sharon sa isa niyang vlog.

“I was happy to know that he didn’t have any problems. Not so much dahil sa amin, kasi kaya naming panindigan ‘yun, pero ‘yung siya mismo. Na habang lumalaki siya, everything was right, physically and all. As it turns out, now, he really brings us so much joy,” lahad pa ng Mega mom.

In fairness, wala ka naman talagang masasabi kay Shawie pagdating sa pagiging ina dahil kahit busy siya sa pagtatrabaho, sinisiguro niyang nabibigyan niya ng sapat na panahon ang kanyang mga anak.

The post Pacquiao tinupad ang promise sa anak ni Mega; Sharon may request na gift kina Manny at Jinkee appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments