“PINATAY” na naman ang veteran TV host-comedian na si Vic Sotto ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magpakalat ng fake news.
Nabiktima na naman ang host ng “Eat Bulaga” ng pekeng balita matapos ngang lumabas sa isang social media page na pumanaw na raw siya sa edad na 68.
Sa nasabing Facebook post ay ginamit pa ang “Frontline Pilipinas” na siyang flagship news program ng TV5. Dito makikita ang black and white photo ni Bossing Vic.
Bossing emosyonal sa 67th quarantine b-day: Ang wish ko good health para sa lahat ng tao
Ang nakasaad sa FB post, “BREAKING: ‘VIC’ Sotto, Namatay sa edad 68. Paalam Bossing VIC Sotto, Salamat sa buhay mo sa EB.” Nakalagay din dito na ang source ng pekeng balita ay ang GMA News.
May mga netizens na nagulat sa balita at naniwalang patay na nga si Bossing dahil nag-condolence pa ang mga ito sa pamilya ng TV at movie icon.
Pero mas marami pa rin ang nagsabing fake news ito at binanatan pa ang nasabing FB page. Ilang netizens pa ang nagsabing ire-report nila ang nasabing account dahil sa pagpapakalat ng pekeng balita.
Actually, hindi ito ang unang beses na nabiktima ng death hoax ang TV host-comedian.
Noong November 21, 2021 ay may video na kumalat sa socmed na nagsasabing patay na raw ang asawa ni Pauleen Luna.
Taong 2014 ay napabalita ring namatay na si Bossing na napatunayan ding walang katotohanan. Tanong nga ng mga supporters ng veteran comedian, bakit daw paborito ng mga netizens na patayin si Vic Sotto.
Sa pagsilip namin sa Instagram account ni Pauleen, makikita ang mga litrato nila ni Vic kasama ang kanilang pamilya.
Makikita naman sa kanyang IG stories ang mga photos nila habang namamasyal sa Hongkong Disneyland, patunay na buhay na buhay pa rin si Bossing Vic.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Bossing sa ginawang “pagpatay” sa kanya sa socmed.
The post ‘Pagkamatay’ ni Bossing Vic na naka-post sa isang FB account fake news! appeared first on Bandera.
0 Comments