MATAGAL nang pangarap ng nag-iisang Queen of Social Media na si Kris Aquino na magkaroon ng bahay by the beach pero hindi pa niya ito na-achieve dahil nagkaroon na siya ng karamdaman.
Pero nasubukan naman niyang tumira sa resort malapit sa beach sa Puerto Galera, Mindoro kung saan sila inabutan ng COVID-19 lockdown noong Marso, 2020 kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Hindi na ito naulit dahil nagkaroon na ng karamdaman si Kris pero ngayong 2023 ay wish granted dahil ipagdiriwang niya ang kanyang kaarawan ngayong araw, Pebrero 14 sa isang bahay na malapit sa dagat.
Base sa Instagram post ni Kris nitong Lunes ng gabi ay naka-drawing ang eroplano na ang nakalagay ay “Distance is just a test to see how far love can travel.”
Ang caption ng birthday girl, “We found a temporary home on Zillow that was also listed on AirBnB, available for a monthly lease… dream come true for me because name the beach development back in the (Philippine flag).
“Nag viewing na kami…this home is in an excellent location, with fresh sea air and a nicely furnished patio with a beautiful view of the sea…hindi pa po ito ‘yung permanent base namin because medyo malayo from the hospitals where my doctors are. Plus no area for me to isolate once my 1st cycle of treatment starts before the end of February.
“But after months of searching finally may nahanap, just in time for my birthday… we are 14 hours behind (Philippine flag) time, in advance, THANK YOU because you continue to give me the best gift anybody in my situation could ask for, your prayers.
“I have a wonderful support system from my 2 sons, Alvin, Rochelle, Ate Rome, old friends & new friends here in the (US flag)… but you need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort I am GRATEFUL…
“I promised myself after reading my latest results that had 1 unexpected & admittedly scary red flag (not autoimmune related) after iniyak ko na, TAMA NA. If ever that borderline number signals early detection, I am still blessed…IN FAITH I SURRENDER ALL to GOD…
“Sa dami n’yong nagdarasal for me, kung umabot na kailangan ng mas aggressive na treatment (at a higher dosage it’s considered chemotherapy) imposibleng hindi tayo pagbibigyan ng ating Mahal na Ama.
“To all, a #lovelovelove day ahead of you, from the very thankful soon to be 52 year old birthday girl.”
Hmmm, sino kaya ang binabanggit na “determined man” ni Kris na bibiyahe ng 13 hours para makasama siya birthday niya?
Trending ang post na ito ni Kris dahil pagkalipas lang ng dalawang oras ay umabot na sa 1,122 positive comments at 15,400 likes and hearts.
Happy birthday Kris! Get well soon.
Heart nagbilad ng kaseksihan sa beach: Mukha kang ‘angel mermaid’
The post ‘Mystery guy’ bibiyahe ng 13 hours para sa birthday ni Kris; wish na manirahan malapit sa beach natupad na appeared first on Bandera.
0 Comments