Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sinu-sino kina Gerald, Robin, Piolo, Daniel, Cesar at Carlo ang type dyowain ni Claudine?

NAG-ENJOY nang bongga si Claudine Barretto sa pagsabak niya sa “Jojowain o Totropahin” Challenge” kasama ang kanyang BFF na si Janelle Jamer.

Dito, diretsahan niyang sinagot kung sinu-sino sa mga kilalang male celebrities ang gusto niyang maging boyfriend at ang mga artistang kaibigan lang ang turing niya.

Pero inunahan na agad nina Claudine at Janelle na katuwaan lang ang ginawa nilang challenge kaya huwag masyadong seryosohin ng madlang pipol.

Winner ang sagot ni Claudine nang banggitin ang pangalan ng ex-boyfriend niyang si Eric Fructuoso. Aniya, totorapahin na lang niya ang aktor dahil past is past na ang kanilang relasyon.

“Jinowa ko na, eh. Totrapahin ka na. Na-try ko nang jowain so totropahin mo na ngayon,” chika ni Claudine.

Mabilis naman ang naging sagot ng aktres nang banggitin ang pangalan ni Carlo Aquino. Sey ni Claudine yes na yes kahit pa kapatid ang turing niya sa magaling na singer-actor.

Paliwanag niya, “Kung ka-age ko si Carlo, jojowain kahit baby brother ang tingin ko sa kanya. Tsaka napakabait ni Carlo sobra.”

Jojowain din daw niya ang action star na si Robin Padilla dahil napaka-gentlenman daw at super bait ng asawa ni Mariel Rodriguez.

“Kung walang Mariel, ha. Utol ko ‘yan eh. Tropa ko na talaga ‘yan. Pero kapag talagang nakilala mo siya, siya ‘yung tipong talagang keeper. Gentleman,” sey pa ng aktres.

Hindi rin nagdalawang-isip sa pagsagot ng jojowain si Claudine nang mabanggit ang mga pangalan nina Cesar Montano, Daniel Padilla, Patricl Garcia at Jericho Rosales.

Ang iba pa niyang type dyowain ay sina Enrique Gil, Edu Manzano, Patrick Garcia, Zanjoe Marudo, Richard Gutierrez, Richard Gomez at Piolo Pascual.

Totropahin naman ang sagot ni Claudine nang banggitin ang ex-boyfriend ni Julia Barretto na si Joshua Garcia.  Ganito rin ang tugon niya kay Gerald Anderson na napapabalitang boyfriend ngayon ng kanyang pamangkin.

Mabilis na “no comment” din ang reply ni Claudine nang tanungin tungkol kay Gerald. Yun na!

The post Sinu-sino kina Gerald, Robin, Piolo, Daniel, Cesar at Carlo ang type dyowain ni Claudine? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments