Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Dating Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, pumanaw na

Dating representative Reynaldo Umali

Pumanaw na si dating  Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ngayong Huwebes sa edad na 63.

Cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ni Umali bagama’t noon pa mang Disyembre ay dinapuan na siya ng Covid-19, ayon sa kanyang kapatid, si Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali.

Noon ding buwang iyon, si Reynaldo ay na-diagnose na may Stage 3 liver cancer, na kaagad na lumala at naging Stage 4.

“Magmula noon dire-diretso na siya. December 21 na-ICU na siya e. Around December 26 na-intubate na. Tapos dire-diretso,” wika ni Rep. Umali sa panayam ng DZBB.

“Nagkaroon na ng complication. Tinatanggalan na ng tubig sa baga, bumababa blood pressure. Na-intubate siya dahil yung kanyang oxygen level,” dagdag pa niya.

“Kahapon, nakakakita ng bacteria sa kanyang liver. Ngayong umaga, bumaba na ang dugo niya tapos nag-cardiac arrest,” wika pa niya.

The post Dating Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, pumanaw na appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments