Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Medical corps ng AFP, PNP ipinahahanda para sa deployment dahil sa pagdami ng health workers na tinamaan ng COVID-19

File photo

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-deploy ang medical corps sakaling kailanganin dahil sa tumataas na bilang ng health workers na tinatamaan ng COVID-19.

Ayon sa Pangulo, hindi maikakaila na marami sa health workers ang nagkakasakit at naoospital dahil sa pandemya.

Dapat umanong naka-standby ang medical corps ng PNP at AFP dahil sila ang madaling maasahan.

Bilang tugon, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nag-deploy na ang kanilang hanay ng mga nurse sa St. Luke’s Medical Center.

Patuloy aniyang mangangalap ang AFP ng mga nurse sa probinsya para maipahiram sa Metro Manila.

The post Medical corps ng AFP, PNP ipinahahanda para sa deployment dahil sa pagdami ng health workers na tinamaan ng COVID-19 appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments