MAAARI nang hindi gumamit ng face shield sa labas ng bahay bilang dagdag proteksiyon laban sa COVID-19.
Ito ay matapos luwagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng face shield.
Pero ayon sa Pangulo, iiral pa rin ang face shield policy sa tatlong letrang ‘C’…. Ito ay sa close, crowded, close contact na mga lugar.
Ibig sabihin, paliwanag ni Duterte, gagamitin lamang ang face shield sa mga sarado ng pasilidad, ospital, crowded room o magkakadikit-dikit ang mga tao at may close contact.
Ayon sa kanya, tinanggap niya ang rekomendasyon ng executive department na luwagan na ang paggamit ng face shield.
Utos ng Pangulo, maglabas agad ng guidelines sa hindi na paggamit ng face shield sa labas ng bahay.
The post Hindi paggamit ng face shield sa labas ng bahay, aprubado na appeared first on Bandera.
0 Comments