PORMAL nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban na maging kandidatong bise presidente sa 2022 national elections.
Base sa litrato na ipinamahagi ng kampo ni Energy Secretary Alfonso Cusi, ipinakita nito na nilalagdaan ng Pangulo ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).
Kasabay nito, inilabas din ng PDP-Laban ang litrato ng pirmadong CONA ni Pangulong Duterte.
Matatandaang si Senador Christopher “Bong” Go ang napiling kandidato ng PDP-Laban subalit tinanggihan ng senador ang maging standarad bearer.
Ayon kay Go, wala sa pulitika ang kanyang atensyon ngayon kundi ang matulungan ang taumbayan sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.
The post Pangulong Duterte, tinanggap na ang nominasyon ng PDP-Laban na tumakbong VP sa 2022 polls appeared first on Bandera.
0 Comments