Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Gerald ayaw maging sperm donor: Yung unang anak ko siyempre gusto ko sa taong mahal ko

Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman

NAHIRAPAN pala ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson sa eksenang kailangan niyang mag-donate ng sperm sa teleserye nilang “Init Sa Magdamag.”

Muling humarap ang binata kasama ang co-stars niyang sina JM de Guzman at Yam Concepcion sa ilang miyembro ng media para sa virtual finale presscon ng kanilang serye.

Dito nga inamin ni Gerald na isa sa mga hindi niya malilimutang eksena sa programa ay ang pagdo-donate ng sperm sa kanyang ex girlfriend.

“‘Yung maging donor siguro ng ex ko and ‘yung sa falls kasi ang lamig ng tubig,” natatawang chika ni Gerald.

Sa totoong buhay naman, parang hindi pa raw niya naiisip kung kaya rin niyang mag-donate ng sperm sa dating karelasyon kung sakaling pakiusapan siya nito. 

“Siyempre hindi. Kasi yung unang anak ko siyempre sa taong mahal ko, sa taong gusto ko at makakasama ang bata at akin ang bata. 

“Pero you know ang daming sitwasyon sa mundo, depende pa rin siguro, depende sa sitwasyon,” ani Gerald na gumaganap bilang Tupe sa serye.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng “Init Sa Magdamag” naging doktor na nga si Tupe kaya natanong din si Gerald kung ano ang pakiramdam na gumaganap din siyang frontliner sa serye.

“Masarap sa pakiramdam na kahit sa serye lang ay nagagampanan mo yung pagiging medical worker. Kaya ano pa yung sa tunay na buhay mo nagagawa yung ganu’ng pagtulong sa mga tao, di ba? 

“Kaya sana ‘yung hinihingi ng medical workers natin sana ibigay kasi deserve na deserve nila. Sabi ko nga kanina ginagampanan ko lang ‘yung pagtulong bilang Tupe  sobrang nakaka-fulfill na ‘yan. What more kung doktor yun or nurse kasi more than anyone else, sila ang mga sundalo natin ngayon, so sana ay alagaan natin sila,” pahayag pa ni Gerald.

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng “Init Sa Magdamag”, gagawin nina Tupe (Gerald) at Rita (Yam) ang lahat para makulong na nang tuluyan si Peterson (JM) matapos itong ipaaresto ng dalawa sa tangkang pagpatay at pagkamatay ni Miguel Salcedo (Joey Marquez).  

Matapos hindi sundin ang utos na patayin si Tupe, isiniwalat ni Joko (Manuel Chua) sa doktor ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa pagkamatay ng ama. Inamin nito na inutusan siya ni Peterson na takutin at bugbugin si Tupe para hindi na makalapit kay Rita. 

Handa na rin siya na tumestigo laban kay Peterson para makuha ni Tupe ang hustisya sa pagkamatay ng ama. Nayanig si Tupe sa rebelasyon at ginustong malaman ang iba ang kasabwat nito, ngunit hindi nito napilit si Joko dahil hindi pa handa lumantad ang kanyang mga kasama. 

Ang hindi nila alam, may mahalagang  ebidensya na hawak si Lab (Boom Labrusca) nang makunan niya ang pag-uusap nina Joko at Peterson matapos mapatay nila ang ama ni Tupe.  

Hindi naman nagdalawang-isip si Tupe na isuplong si Peterson sa awtoridad aa salang pagtangka muli sa kanyang buhay at pagpatay sa kanyang ama. Abot langit ang galit ni Rta nang malaman ito at dahil mula umpisa ay napaikot pala siya ni Peterson.

Mabulok kaya si Peterson sa kulungan o malusutan niya ito at balikan sina Tupe at Rita? Magsalita na kaya si Lab o si Kiko (Gab Lagman) sa kanyang mga nalalaman? 

Panoorin ang huling buga ng “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube.

The post Gerald ayaw maging sperm donor: Yung unang anak ko siyempre gusto ko sa taong mahal ko appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments