Coco Martin, John Prats at Sharon Cuneta
MALALAGASAN na ang Task Force Aguila ng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil matsutsugi na si John Prats bilang si PC MSgt. Jerome Gerona, base na rin sa trailer na eere bukas, Lunes.
Matatandaang isinulat namin dito sa BANDERA na ngayong Setyembre na magpu-full time director si John sa “It’s Showtime” at para mangyari ito ay kailangang mawala na ang karakter niya sa longest running TV series ng Kapamilya network.
Kung hindi sana lock-in taping ay baka magawan pa ng paraan ni John na pagsabayin ang pagiging actor at direktor sa dalawang programa.
Sa inilabas na Sept. 2 Top 30 overall programs ng Nielsen Philippines ay nasa number 3 slot ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na may rating na 12.4% na hindi naman nalalayo sa “24 Oras” (17.2%) at “Legal Wives” (15.5%).
Ang iba pang Kapamilya shows na nasa top 30 ay ang “Huwag Kang Mangamba” sa ikalimang puwesto (8.4%); “Init Sa Magdamag” (6.0%); at “La Vida Lena” (4.3%).
Samantala, may sitsit na papasok daw sa “AP” ang Megastar na si Sharon Cuneta na may mahalagang karakter daw kaya kanya-kanyang hula na ang lahat kung ano ito.
May nagsabing baka raw si Sharon ang gaganap na tunay na ina ni Julia Montes bilang si Mara dahil kapansin-pansin na mainit ang dugo ni Rosanna Roces sa dalaga.
Say naman ng iba baka ang Megastar ang tutulong kay Rowell Santiago as Presidente Oscar Hidalgo sa pagtakas nito na eere na ngayong linggo.
The post Sharon may espesyal na role raw sa Ang Probinsyano; tuloy na ang pagtsugi kay John Prats appeared first on Bandera.
0 Comments