TULUYAN na ngang nilayasan ni Kylie Padilla ang asawang si Aljur Abrenica matapos ibandera sa publiko ang paglipat sa bago niyang bahay.
Ilang araw matapos ibuking ng kanyang tatay na si Robin Padilla ang tungkol sa paghihiwalay ni Aljur, kinumpirma rin ni Kylie ang paglipat niya sa bagong tirahan kasama ang dalawang anak.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress sa kanyang followers ang ginagawang preparasyon sa paglipat nilang mag-iina.
“Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited.
“But of course I have to make sure that our new furniture is clean and sanitised,” aniya sa caption ng kanyang IG post.
Nabanggit din niya na malapit nang matapos ang pinapangarap na bahay, “It’s coming true. My dream home my gosh soooo happy!”
Kamakailan, mismong si Robin ang nagkumpirma na naghiwalay na nga sina Kylie at Aljur dahil umano sa pambababae ng aktor.
“Noon pa lagi kong tinatanong si Kylie, ‘Agrabyado ka ba? Hindi naman daw. ‘OK lang ako, pa.’ Eto, tinanong ko uli, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, pa, ako ang nakipaghiwalay’,” kuwento ni Robin.
Pero umaasa pa rin daw siya na magkakabalikan ang mag-asawa dahil nararamdaman niya na may pagmamahal pa rin ang mga ito para sa isa’t isa.
Sa isang official statement, sinabi ni Kylie na maayos ang co-parenting agreement nila ni Aljur.
“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal. We forget the kids and people that are involved.
“In the past few months, our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.
“All we need right now is respect—first and foremost, on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl…
“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake,” aniya pa.
The post Kylie tuluyan nang nilayasan si Aljur; excited na sa lilipatang bahay kasama ang 2 anak appeared first on Bandera.
0 Comments