“MY God! Isang taon na po ang nakakalipas pero nakatindig pa rin tayo ha!”
Ito ang masayang pahayag ni Vice Ganda nang alalahanin ang ginawang pagpapasara ng Kongreso sa ABS-CBN isang taon na ang nakararaan.
Sabi ng TV host-comedian, sa kabil ng lahat ng pinagdaanan ng istasyon ay nananatiling nakatayo at namamayagpag ang Kapamilya network.
“Dati sobra akong nalulungkot, talagang nadudurog puso ko. Pero ngayon, sumasaya na ko.
“Parang, the pain that I felt before is giving me strength right now. My God, isang taon na po ang nakakalipas pero nakatindig pa rin tayo ha,” sey ni Vice sa nakaraang episode ng “It’s Showtime”.
“Inakala natin na tuluyan na talaga tayong tutumba, durog na durog, na maibabaon pero nakatayo at unti-unting umaangat.
“Maliliit man pero it matters so much yung mga pag-angat na yan,” pahayag pa ng Phenomenal Box-office Star.
“Yung patuloy nating pagsasama-sama, nakakataba ng puso. Ako, kung tutulo man luha ko, tutulo na yung luha ko na may kasamang ngiti at saya, at punong-puno ng pag-asa.
“One year na po yan, and we are still here not just surviving but thriving for you madlang pipol,” chika pa ni Vice.
Pinasalamatan din niya ang A2Z Channel 11 at TV5 dahil sa pagpapalabas ng ilang mga programa ng ABS-CBN.
“Ang laki ng puso ng A2Z na binigyan tayo ng extra bahay. Pati na rin sa TV5, maraming salamat at pinatuloy nyo ang mga programa ng ABS-CBN dyan sa inyong istasyon.
“Parehas silang naniniwala na hindi pwedeng mahinto ang pagbibigay lingkod ng ABS-CBN sa buong mundo,” sabi pa ng komedyante.
Kung matatandaan, July 10, 2020 nang tuluyang ibasura ng 70 kongresista ang franchise renewal ng ABS-CBN para maipagpatuloy ang pag-ere nito sa free TV.
The post Hugot ni Vice: Dati sobrang nadudurog ang puso ko, pero ngayon, sumasaya na ako… appeared first on Bandera.
0 Comments