NAPATAAS ang kilay ng maraming netizens matapos magpahayag ng saloobin ang singer-actor na si Janno Gibbs ukol sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula August 6-20, 2021.
Ang ECQ kasi ang naging paraan ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant lalo na’t tumataas muli ang COVID-19 cases.
Nag-post ito ng screenshot tungkol sa balita na may caption na “Anak nam (red face with angry eyes and a mean frown, face screaming in fear, loudly crying face emojis)” sa kanyang Instagram account.
Matapos nito, isa pang screenshot mula sa panayam ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang news site.
Ayon kay Usec Vergeire, walang distinction sa mga nabakunahan at hindi pa nabakunahan para sa papayagang lumabas na mga indibidwal kapag naka-ECQ na muli ang Metro Manila. May legal implications raw kasi ito.
“No distinction between vaxxed and non vaxxed?!?!?! Paano, ipa-frame ko nlang sa wall ung vax card ko?!” saad nito sa post.
Tila may naunang post si Janno na nagsasabing basura ang bakuna na agad rin siguro niyang binura.
Humingi kasi ito ng paumanhin sa publiko matapos ang kanyang #BasurangBakuna remark.
“Im Sorry for my #basurangbakuna statement. I should have explained it.
“I do not question the efficacy of the vaccine.
“What I mean is ‘the Vaccinated’ are not being validated w the Lockdown having no distinction between vaxxed and non vaxxed.
“Yes I KNOW!!!! You can still contract and transmit. But w/ out grave consequences right?
“I had the idea that we got vaccinated “So that when we Go out in public” we have adequate protection.
“I did not get vaxxed to stay home.
“All im asking for is Consideration,” mahabang pahayag niya.
Marami naman ang nag-react at sinabing masyadong ‘privileged’ ang singer-actor.
“Not because u r vaccinated, ur exempted” comment ng isang netizen.
Hirit naman ni Janno, “So what does being vaccinated get you? A tap on the shoulder?”
May umagree rin naman sa pinupunto nito.
Isang netizen ang nagsabi na sa Qatar raw ay hindi pinapapasok ng mall at restaurants ang mga hindi bakunado. Kailangan pa raw nilang ipakita ang kanilang proof na vaccinated sila bago makapasok pati na rin sa kanilang opisina.
Nag-upload muli ng statement si Janno para linawin ang stand niya matapos batikusin sa pagiging ‘priviledged’ porke mayaman at artista.
“Ok. Some of you are mistaking my remarks as priviledged.. pangmayan at artista.
“Nung pumila ako sa QC hall twice for my doses. Nakita ko ang haba ng pila. Puro mahihirap.
“Paano na yung libo libong mahihirap na fully vaccinated at kailangang kumayod?”
Deleted na ang mga statements nito dahil napagod na raw siya sa kakasagot ng mga comments at pangba-bash ng mga netizens.
The post Janno Gibbs tutol sa pagpapatupad ng ECQ: ‘I did not get vaxxed to stay home’ appeared first on Bandera.
0 Comments