SINAGOT ni Jessy Mediola ang isyu na laos na raw siya sa showbiz at hindi na nao-offeran ng projects.
Sa sit-down interview vlog kasama ang long-time friend nitong si Enchong Dee, tinuldukan na nito ang isyu na matagal nang ibinabato sa kanya.
“Ang totoo n’yan, ever since before the pandemic started, marami ng offers talaga but I think it’s more of I value my health more than anything.
“And ever since the pandemic started, siyempre nandyan ‘yung fear, nandyan ‘yung kailangan mong ma-lock in, nandyan ‘yung marami kang taong makakasama.
“I feel that nasa point na ako ng life ko na I’m enjoying what I’m doing which is vlogging,” mahabang saad ni Jessy.
Ngayon rin daw ay nag-e-explore siya ng ibang bagay sa kanyang buhay tulad ng pagpasok sa negosyo.
“I think nandoon na tayo sa point ng buhay natin na hindi na tayo nape-pressure to please everyone,” dagdag pa nito.
Tinanong naman siya ng kaibigan kung may pagkakaiba ba sa paraan niya ng pagha-handle ng pera ngayong kasal na siya sa actor-TV host na si Lucky Manzano.
“Actually, mas marami akong ipon ngayon,” sagot nito.
“I’m one of those lucky ones na nabigyan ng chance to explore digital world,” dagdag niya.
Ngayon kasi ay mas naging active ito sa YouTube channel niya. Chika pa niya, doble ang kinikita nito ngayon kahit hindi siya sagad sa pagtatrabaho.
Masaya rin ang actress-turned-vlogger dahil hanggang ngayon, kinukuha pa rin siya ng mga brands bilang endorser.
Kuwento rin niya na hangga’t kaya, hati sila sa mga gastusin nilang mag-asawa.
“Parang inisip ng mga tao dahil asawa na ako ni Luis, hindi na ako gumagastos, na Luis takes care of everything when it comes to money but it’s more of like lumaki ako as breadwinner eh.
“So I like the feeling na I can fend for myself. I can pay this, I can buy that, and do whatever I want with my money because I have my own maney,” pag-amin niya.
Ini-encourage nga rin ni Jessy ang mga kababaihan na hangga’t maaari, magkaroon ng sariling savings at profession.
“It’s so important for women to have that sense of inspiration and purpose sa sarili.
“Hindi ka lang asawa, hindi ka lang nanay. You’re a woman,” giit nito.
Saad rin niya, kung sakali man raw na may masamang mangyari tulad ng hiwalayan o nagkaproblema, magiging okay siya dahil may sarili itong pera.
Nang tanungin naman siya kung ano ang priceless gift ang naibigay ni Luis sa kanya.
“He gives me a lot of things, not really ‘material’ things but more of happiness, love, security.
“Alam ng babae ito. When you date to marry someone, syempre kailangan kapag ikakasal ka, alam mo ‘yung taong ‘yun aalagaan ka n’ya the same way na aalagaan mo siya.
“So si Lu alam ko, when all elae fails, masasalo niya ako atsaka ako rin, masasalo ko rin siya.”
Advice rin niya sa mga haligi ng tahanan, hayaan nila ang kanilang mga asawa na gawin ang mga bagay na gusto nito at suportahan ito. Give and take kasi ang relasyon kaya in order to make things work at maiwasan ang problema, importante na naiintindihan ng mag-asawa ang isa’t-isa.
The post Jessy Mendiola sinagot ang pasaring na laos at walang projects appeared first on Bandera.
0 Comments