INIYAKAN pala ng TV host-actress na si Iya Villania noong magpa-tattoo ang asawa niyang si Drew Arellano.
Sa isang segment ng morning show nila ni Camille Prats na “Mars Pa More” inamin niyang naging “kontrabida” na rin siya sa buhay ni Drew, lalo noong mag-boyfriend pa lang sila.
Hinding-hindi raw niya makakalimutan yung eksenang nagalit siya sa asawa nang magdesisyon itong magpalagay ng tattoo.
“Ako, mars, aminado ako na kontrabida ako minsan sa life ni Drew.
“At na-realize ko siya kasi kunwari there was a time noong magdyowa pa lang kami, kontrabida ako sa pagkakaroon niya ng tattoo.
“Parang gusto niyang ayusin. I was like, ‘No. Your body is a temple of God. You shouldn’t do that to your body.’ Achuchuchuchu! Ang dami ko talagang sinasabi.
“Nagpa-tattoo siya. Iyak ako. ‘You don’t love me. You don’t care about, you know, what I have to say.’ Only for me to realize na inggit lang pala ako. Gusto rin pala ng tattoo!” tawa nang tawang chika ni Iya.
Paliwanag pa niya, “Parang I think I wanted some sense of control over him, the same sense of control that my mom has and my parents have over me.
“So, parang I felt like I wanted that kind of control over him, kahit ‘yung pagmo-motor.
“Kahit sa pagmo-motor. Parang ‘No, don’t ride a bike. Ganyan-ganyan. Aksidente.’
“Ang ending bibili lang din pala ako ng gear ko para makasakay ako sa kanya,” sey pa ng misis ni Drew.
Samantala, may isa pang inamin si Iya tungkol sa relasyon nila ng asawa, “I remember there was a time sobra akong pumalpak. Of course, Drew and I needed to talk it over.”
“So, usap kami tapos sabi nita, ‘If you were me, what would you do?’ Kasi si Drew sobra siyang nagiging rational. Hindi siya nagiging emotional.
“Ako ‘yung nagiging emotional. Pero siya sobra siyang rational. So, he asked me, ‘What would you do?’
“Sabi ko talaga, ‘If I were you, I would break up with me.’ Kasi parang feeling ko talaga hindi ko deserve. Kasi, mars, it wasn’t even just once. Parang it was twice, thrice.
“So, that’s why I was like, ‘Oh my gosh. You know what? Parang I don’t even deserve a chance.’ Tapos alam mo, ano sabi niya sa ‘kin? ‘Call me something or what, but I still have faith in you.’
“Parang, mars, ‘di ba ang sarap? Kasi even when you doubt yourself, and even if you wouldn’t give yourself a chance anymore, when someone still has faith in you, sometimes that’s all you need,” kuwento pa ni Iya.
The post Iya nagalit, todo iyak nang magpa-tattoo si Drew: Tapos na-realize ko inggit lang pala ako appeared first on Bandera.
0 Comments