Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Liza Dino gustong gumawa ng pelikula tungkol sa trans family: Ano ba yung pinagdaraanan namin?

TAWANG-TAWA si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino sa tanong kung may pelikula sila ni Ice Seguerra na kasama sa Pelikulaya LGBTQIA + Film Festival (Sama-sama Lahat Rarampa) ay ano ang magiging titulo nito.

“I really want a story that features the story of my daughter (Amara) and Ice. For me, mas interesting sila kaysa sa story namin ni Ice kasi maraming klaseng ganito ang pagmamahalan. 

“Hmmm, pag-iisipan ko ‘yan. Ha-hahaha! Natigalgal ako sa question,” tumatawang sagot ni Chair Liza. Dagdag pa niya, “Naisip ko Unconditional Love.”

Ano naman ang magiging highlight ng pelikula nila ni Ice kung sakali? “Ang highlight na sana makita ay ang pinagdaraanan namin ngayon bilang pamilya kasi hindi masyadong nakukuwento kung ano ba ang meron sa isang pamilyang trans. I have a transman as a husband, I’m a wife and we have a daughter.

“What is that like? How do you actually raise a child sa ganitong klaseng sitwasyon? Ano ‘yung pinagdaanan namin bilang pamilya para yakapin niya ‘yung pamilyang meron kami dahil unconventional,” paliwanag ni Chair.

“You know, she (Amara) will come across a lot of questions from her peers what kind the of family that she has, the journey for us to open her to a life and a perspective of having no judgment, you know love has no gender that I think is so important.

“Marami po ‘yun, hindi lang po siya maganda, it’s not smooth sailing thing. Ang dami niyang tanong when she was 4 years old. Imagine 4 years old when she was introduced to the family that she’s going to have. Ano ‘yung pinagdaanan niya,” mahabang paliwanag ni Ms. Liza.

Nagulat pa nga raw ang proud mama ni Amara dahil mas may alam pa ang anak kung ano ang tawag sa orientation niya ngayon.

“She’s telling me, ‘mom your sex is female transsexual.’ She’s defining for me kung sino ako. Hindi ko na alam, hindi na ako updated ano ba ‘yung mga nararapat na terminologies for identity versus orientation and I’m proud of her. I think that’s should be the film,” kuwento pa niya.

Samantala, maraming pelikulang lokal ang mapapanood ngayong Pride Month Hunyo sa PELIKULAYA: LGBTQIA+ Film Festival 2021 at tiyak na mag-e-enjoy ang mga kabilang dito na magsisimula na sa Hunyo 4 sa FDCPCHANNEL.PH.

Para sa mga hindi pa nakarehistro ay maaaring magpa-register at mag-subscribe sa FDCPCHANNEL.PH.

The post Liza Dino gustong gumawa ng pelikula tungkol sa trans family: Ano ba yung pinagdaraanan namin? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments