AYAW ng maraming kasambahay ni Rica Peralejo dahil mas gusto niyang matuto at maging responsable sa buhay ang kanyang mga anak habang sila’y lumalaki.
Hands-on mommy si Rica at talagang hindi raw nila iniaasa ang lahat ng mga gawain sa bahay sa kanilang mga staff.
Sa bagong vlog ng hindi na gaanong aktibong aktres, sinabi niya na dalawa lang ang kasambahay nila ngayon — sina Nato at Renelda.
Aniya, kahit na mas challenging ang pagiging nanay niya ngayon sa dalawang anak nila ng asawang si Joseph Bonifacio, wala raw itong problema sa kanya.
Naniniwala siya na magandang traning para sa mga anak nilang sina Philip at Manu ang hindi umasa sa mga kasama nila sa bahay at matutong maging responsable sa murang edad.
“We don’t like to have a lot of staff. Hindi po namin gusto na marami kaming kasambahay.
“Not because ayaw namin ng kasambahay. But because there’s a bigger reason for that,” chika ni Rica.
Dagdag pa niya, “I have growing boys and in my experience, when you have a lot of staff, the kids in the home really don’t learn their responsibilities because mas madaling umasa.
“I don’t know, maybe some families are able to do that. Have a lot of staff, but then, you know, have their kids be responsible din at the same time.
“But for me, na-feel ko that the more I have staff, the more ako mismo umaasa sa kanila than me doing things myself.
“And then actually passing it on to my children na, ‘O kayo din, you have responsibilities,'” pahayag pa ni Rica sa kanyang vlog.
Ipinagdiinan ni Rica na mahalaga rin na maging ehemplo ng mga bata ang kanilang mga magulang para bitbit nila hanggang paglaki ang values na matututunan nila na magagamit naman nila kapag nagkaroon na rin sila ng sariling pamilya.
“Parang it’s just really natural and normal na when no one else can do the job then someone would rise up to the position and to the job,” pahabol pa ng celebrity mom.
The post Hindi po namin gusto na marami kaming kasambahay – Rica Peralejo appeared first on Bandera.
0 Comments