Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Vice: Hindi ko talaga alam kung nakakatawa pa ‘ko o kung magaling pa ba ‘ko!?

NAGING emosyonal si Vice Ganda habang nagkukuwento sa mga naging karanasan niya noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19.

Inamin ng Phenomenal Box-Office Star na sa tagal niya sa showbiz ay na-master na niya ang magtago ng tunay niyang nararamdaman para lang mapasaya ang madlang pipol na kumukuha ng inspirasyon sa kanya. 

“Kasi nga, ‘yung trabaho ko is considering not just myself but considering a lot of people. ‘Di ba ‘yung magbabasa ka lang online, ‘Napapasaya mo ako lalo na ngayong pandemya. 

“Stressed na stressed ako pero nawawala stress ko ‘pag napapanood ka.’ May purpose ka na,” pahayag ni Vice sa panayam ni Ogie Diaz na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Diretsahan namang sinabi ni Vice Ganda na talagang nagtatrabaho siya dahil sa pera pero hindi na raw ito ang pinakamahalagang factor sa kanya ngayon. 

“Hindi ito kaplastikan ha. Malaking bagay ‘yung sweldo, pera. Pera-pera din ‘di ba? Pero over and above the money, more than the salary, ‘pag tumagal ka sa ginagawa mo at mahal na mahal mo ‘yung ginagawa mo, hindi na ‘yun pera lang,” sey ng TV host-comedian. 

Sa isang bahagi ng video, napaluha nga si Vice nang balikan yung mga panahong kinukuwestiyon na niya ang sarili kung gusto pa siya ng mga tao at kung natatawa pa ang madlang pipol sa mga jokes niya.

“Meron akong gustong gawin, meron akong gustong ibigay. Tapos ngayon ang hirap. 

“Hindi ko talaga alam kung nakakatawa pa ako o kung magaling pa ako kasi hindi ko naman naririnig kung may nag-rereact. Wala namang audience.

“Dati, lumabas pa lang ako nagwawala na ‘yung audience. So, parang damang-dama mo ‘yung love. Lalo kang gaganahan. ‘Ah ito ‘yung mga nag-aabang sa akin. Patatawanin ko kayong lahat.’ Ngyon wala nang ganu’n. Patatawin mo dingding,” lahad pa niya.

Sa mga ganitong eksena sa kanyang buhay, binabalikan na lamang niya ang kanyang pinagmulan bilang stand-up comedian sa mga comedy bar, lalo na noong wala pang masyadong nanonood sa kanya.

“Pero lagi ang iniisip ko na lang din ‘Huy kabayo, ‘wag kang umarte. Ganyan ka din naman dati. Nagsimula ka naman sa comedy bar na walang audience. 

“Pero bayad ka ng 250. So kahit walang audience, kailangan mo magpatawa. Kaya ka nga nasanay ng ganyan, kaya ka nga na-train ng ganyan kasi nagpatawa ka na ang nanoood lang sa’yo ay sulok, dingding,’” paliwanag pa ni Vice.

“So, ‘yun na lang ang iniisip ko. Training ‘to. Magte-train ako na walang tao, walang tumatawa. Para ‘pag nagbukas na ulit, ‘pag may audience na ulit, mas bongga ‘yun. 

“Kasi, kung dingding nga kaya kung patawanin, mas kaya kong patawanin mo ‘yung mga totoong tao na may kaluluwa. Laban ’to,” dagdag pa niya.

The post Vice: Hindi ko talaga alam kung nakakatawa pa ‘ko o kung magaling pa ba ‘ko!? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments