NAGPABAKUNA na rin kontra-COVID-19 si Megastar Sharon Cuneta sa Amerika.
Ngayong araw, ibinandera ng singer-actress at TV host sa kanyang social media account na natanggap na niya ang first dose ng COVID-19 vaccine.
Isang maikling video ang ibinahagi niya sa Instagram kung saan makikita ang paghihintay niya sa isang ospital sa US at ang pakikipag-usap niya sa medical staff na siyang magbabakuna sa kanya.
“I’m here at a hospital. I’m getting my first shot of Moderna vaccine from (nurse) Trish.
“I am blessed because she is a Filipina also and I am happy to be getting this vaccine. So, I am excited. I just wish my kids could get it too soon,” pahayag ni Mega sa nasabing IG video.
Ilang segundo lang ang itinagal ng pagtuturok ng anti-COVID vaccine sa kaliwang braso ni Sharon kaya nang sabihin ng nurse na tapos na, sey ni Mega, “That’s it? It wasn’t bad at all. My tolerance is high for pain.”
Isa ang pagpapabakuna sa mga rason kung bakit nagtungo sa Amerika si Sharon. Naging emosyonal pa nga ang pagpapaalam niya sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan at sa kanilang mga anak.
Aniya sa kanyang IG post, aalis muna siya sa Pilipinas para “makahinga” “and collect myself.”
“I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents,” ani Mega sa caption ng mga litratong ipinost niya na kuha sa airport.
“I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys,” aniya pa. Wala nang ibang partikular na dahilan na nabanggit ang singer-actress tungkol sa pag-alis niya ng bansa.
The post Sharon naturukan na ng COVID-19 vaccine sa US: I just wish my kids could get it too soon appeared first on Bandera.
0 Comments