NAGKASAKIT pala ang Kapuso actress at sikat na cosplayer na si Myrtle Sarrosa dahil sa kanyang eating habits.
Inamin ng dalaga na pagpasok ng taong 2021 ay nagkaroon daw siya ng karamdaman na naging sanhi ng bigla niyang pagpayat.
Sa nakaraang episode ng “Mars Pa More” sa GMA 7, sinabi ni Myrtle na hindi naging maganda ang kondisyon ng kanyang katawan nitong mga unang buwan ng taon matapos magkaroon ng chronic intestinal disease.
“Nagkaroon ako ng chronic disease sa intestine ko wherein na hirapan na ‘yung body ko mag-digest ng food dahil na rin siguro sa bad eating habits ko before,” kuwento ni Myrtle.
Ayon sa bagong Kapuso star, ang kanyang naging sakit ay isang uri ng inflammatory bowel disease. Maaari itong magdulot ng panghihina ng katawan at ng mas matindi pang komplikasyon kapag hindi nagamot agad.
Ilan daw sa sintomas na maaaring maranasan ng taong may chronic intestinal disease ay diarrhea, rectal bleeding, abdominal pain, pagod at pamamayat.
Pahayag ni Myrtle, ang sobra-sobrang pag-inom ng kape at pagkain ng karne ang ilan sa dahilan ng kanyang pagkakasakit.
“Before I would wake up tapos the first thing that I would do is to grab a cup of coffee tapos ‘yun lang ‘yung iinumin ko,” pahayag ng dalaga.
“So dahil pala doon, tumataas ‘yung acid sa katawan ko and, aside from that, ang hilig-hilig ko pa before sa karne, na araw-araw lagi akong pork and meat,” aniya pa.
Pag-alala pa ng aktres, nalaman niya ang tungkol sa kanyang sakit ilang linggo bago sila sumabak sa lock-in taping para sa unang teleserye niya sa GMA bilang Kapuso, ang TV adaptation ng ’80s blockbuster Regal movie na “Nagbabagang Luha”.
Dahil dito, agad binago ni Myrtle ang kanyang eating habits at umiwas muna sa mga unhealthy food, “Ngayon lahat ng kinakain ko na is fruits, vegetables. Nag-cut na rin ako ng meat.”
Samantala, gagampanan ni Myrtle sa “Nagbabagang Luha” ang karakter ni Judy Enriquez na isang resort consultant. Makakasama niya sa bagong seryeng ito ng GMA sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz at Claire Castro.
The post Myrtle Sarrosa nagka-chronic intestinal disease dahil sa sobra-sobrang kape, karne appeared first on Bandera.
0 Comments