Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kristel Fulgar nag-record ng original Korean song para sa bagong web drama: Dream come true!

 

NATUPAD na rin finally ang isa sa mga matagal nang pangarap ng Kapamilya actress-singer na si Kristel Fulgar — ang makapag-record ng original Korean song.

Isa si Kristel sa milyun-milyong Filipino na matatawag na certified K-drama at K-pop addict kaya naman super shocked ang dalaga bang malaman niyang magkakaroon na rin siya ng sariling Korean song.

Ito’y dahil na rin sa tulong at suporta ng kaibigan niyang Korean businessman na si Yohan Kim, ang CEO ng isang kilalang Korean cosmetics brand.
Nakilala at naging close sila ni Yohan nang bumisita siya sa Korea noong 2019. Ito rin ang taong lagi niyang tinatawag na “Big Boss” sa kanyang nga vlogs.

Sa pinakabagong video entry ni Kristel sa YouTube, masaya nga niyang ibinandera ang collaboration nila ni Yohan para sa kantang “Smile Again” na gagamiting theme song para sa bagong Fil-Korean web drama, ang “Love From Home.”Ibinahagi rin ni Kristel sa kanyang vlog ang mga BTS o behind-the-scenes ng pagre-record nila ng kanta kung saan makikita pinagdaanan nilang proseso dahil nga nasa Korea si Yohan at nasa Pilipinas naman siya.

“Excited na ako i-share sa inyo itong gagawin kong project. Bale first Korean song ko ‘to na original and super excited din ako sa ka-duet ko na Korean singer.

“Collaboration ito at itong song na ito ay magiging OST ng web drama na ginagawa namin under OCTV (One Click TV). Sobrang excited ako and itong song na ito pinrodyus ng Korean artist din sa Korea.

“Siyempre for me it’s a pleasure to work with very talented Korean people and finally magkakaroon na ako ng original song ko na Korean at saka may ka-duet ako na napakagaling na singer,” sabi pa ni Kristel.

Aniya pa, “Dati kino-cover ko lang yung mga Korean OST, ngayon nagkaroon ako ng original na OST ng isang web drama so I’m so happy. Parang for me it’s like a dream come true.

“Kapag nanonood ako ng mga Korean drama du’n ako kinikilig. Bilang OST siya ng Fil-Korean web series, parang gusto kong iparamdam yung ganu’ng kilig sa tao. Ganu’n ginawa itong kantang ‘to. Nakakakkilig para maramdaman ng mga audience.

“Actually nu’ng kinakanta ko ‘to, hindi ko rin mapigilan na hindi mag-smile kasi yung lyrics niya very sweet, very calm. Galing din nu’ng pagkaka-arrange nung composer nitong kanta na ’to,” excited pang kuwento ng actress-vlogger.

Patuloy pang chika ng dalaga sa kanyang vlog, “Siyempre hindi ko magagawa ’to kung hindi rin sa tulong ni (Big Boss). Actually siya yung nakaisip na gumawa ng ganito. Siya yung nag-push ng kantang ito. Naisip niya why not pagawa siya ng kanta.”

Malayu-layo na ang narating ng dating “Goin Bulilit” star pagdating sa pagba-vlog at pagiging singer. In fairness, isa siya sa iilang young YouTuber na nakatanggap na ng dalawang Gold Creator Awards dahil sa milyun-milyon niyang subscribers.

The post Kristel Fulgar nag-record ng original Korean song para sa bagong web drama: Dream come true! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments