MALALIM ang hugot ng actress-vlogger at singer na si Donnalyn Bartolome tungkol sa usapin ng pagpapakasal at pagkakaroon ng anak.
Pinatulan ni Donnalyn ang mga netizens na nagkomento sa isa niyang social media post na magpakasal na raw siya at magbuntis na.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nireplayan ng dalaga ang netizen na nag-comment sa throwback photo niya noong 17 years old pa lang siya.
Hirit nito kay Donnalyn, “Mag-asawa ka na Dona mahirap tumanda mag-isa.”
Kinontra agad ito ng singer at ipinagdiinan na mas mahirap daw kapag mali ang taong pinili niyang makasama habangbuhay, “Mas mahirap tumanda na mali ang pinakasalan.”
May nagkomento naman na dapat daw ay magbuntis na siya at magkaroon ng sariling pamilya dahil mahirap tumanda na walang anak at kasama sa buhay.
“Mag anak ka na mahirap tumanda ng walang anak,” sabi sa kanya ng netizen.
Pagkontra naman ni Donnalyn sa kanya, “Have children because you want to experience the joys of being a parent. Not with the intention of obligating them of responsibility that isn’t theirs.”
“Ipapanganak mo anak mo sa mundong ‘to para parusahan kasi ganun din naranasan mo? END THE CYCLE,” diin pa ng aktres at singer.
Pinayuhan din niya ang kanyang followers na mag-isip ng alternatibong paraan bukod sa pagkakaroon ng baby, tulad ng pag-aalaga ng hayop.
* * *
Mahigit isang taon na nating nilalabanan ang pandemya at umabot na sa mahigit isang milyon ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Kaya naman sa pamamagitan ng social media campaign na #JabWellDone, layunin ng GMA Public Affairs na maengganyo ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19 sa pamamagitan na rin ng mga kuwento at sariling karanasan ng mga Pinoy na nabakunahan na.
Ang campaign na ito ay nagbibigay rin ng impormasyon at mga kasagutan tungkol sa mga bakuna na available sa Pilipinas.
Ilan na sa mga Kapusong nagpabakuna at nag-share ng kanilang #JabWellDone photos online ay ang “Born to be Wild” host na si Doc Ferds Recio at GMA reporters na sina Saleema Refran at Tina Panganiban-Perez.
Kaya sa mga nakatanggap na ng bakuna, maki-#JabWellDone na!
The post Hugot ni Donnalyn sa pag-aasawa: Mas mahirap tumanda na mali ang pinakasalan! appeared first on Bandera.
0 Comments