FOLLOW-UP ito sa nasulat namin kahapon tungkol sa paglipad patungong Australia ni 2018 Miss Universe Catriona Gray nitong nagdaang Martes.
Ito’t para dalawin nga ang kanyang magulang na hindi niya nakita at nakasama nang personal sa loob ng isang taon at kalahati dahil sa COVID-19 pandemic.
Tulad ng naisulat namin dito sa BANDERA, ilang beses na-re-schedule ang flight ng dalaga at nahirapan din siyang ayusin ang mga dokumento dahil sa health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.
Anyway, nakarating na ng Australia ang dalaga pero hindi pa rin niya agad nakita at nakasama ang magulang dahil kinailangan pa niyang dumaan sa 15-day quarantine sa hotel at base na rin sa post niya ngayong araw ay 13 days pa ang bubuuin niya bago tuluyang makapiling ang pamilya.
Ang caption ni Catriona sa larawan niyang nakaupo sa sofa, “Goodmorning from Adelaide! 2 days down, 13 days to go for mandatory hotel quarantine.
“I’ve been calling my parents everyday, we’re all so excited. I can’t remember a time that I felt so much anticipation in the last year,” sabi pa ng girlfriend ni Sam Milby.
At dahil sa dinadaanang quarantine period ngayon ni Catriona ay nakaka-relate raw siya sa mga kababayan nating OFWs na dumaranas din ng ganitong hirap bago makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
May iba naman na hindi na lang umuuwi dahil mauubos lang ang kanilang bakasyon dahil sa ilang araw na quarantine.
“Reading all of your comments in my last post, my heart goes out to all of the OFWs, and to all of you who are also away from your loved ones, unable to come or go home.
“In deciding to come here to Australia I had to choose to either cancel/postpone work or to not see my family – and I feel like one of the biggest realizations I’ve had in this season is that relationships and family are the most important things – so it was an easy sacrifice to make.
“But I also know for many of us, it’s just not possible due to work, travel and border restrictions and other impassable challenges,” patuloy pang pahayag ni Catriona.
Aniya pa, “I’m sharing my family and I’s story because, I pray that it’d give some kind of hope to all of you who are away from your family.
“That your families will soon be reunited, just as mine soon will. Keep holding on to each other, even though it may be from afar,” sabi pa ng dalaga sa caption ng kanyang IG post.
The post Catriona nakarating na sa Australia pero hindi pa rin nakapiling ang pamilya appeared first on Bandera.
0 Comments