BILANG selebrasyon ng Labor Day nitong May 1 ay nagpalaro si Bea Alonzo para sa angels niya sa bahay na tinawag niyang “The Labor Games”.
Ang mananalong team ay may premyong P20,000 at 10,000 naman sa natatalo bilang consolation prize.
Post ng aktres, “In these trying times, I can’t help but thank those who go the extra mile to keep us all safe. To our frontliners, delivery drivers, and especially the angels in our household who ensure our safety and health, THANK YOU.
“To pay it forward, I’ll be using my PayMaya to Send Money to their accounts and buy them load so it’s safer and more convenient.”
Sinimulan ni Bea ang palaro na may tatlong team at kasama siya sa blue, at ang unang game ay marble scoop na gamit ang kutsara na nakalagay sa bibig at ililipat sa ibang lagayan kung saan team white ang nanalo.
Funny pencil naman ang next na iiipit sa baba at ilong at saka illalagay sa baso — green team naman ang nanalo rito.
Ikatlong laro ang “Yank Me” kung saan magkakapatong ang plastic cup na may papel sa pagitan at kailangang biglain ang pagtanggal ng papel para ma-shoot sa cup ang nakapatong na cup sa taas. Dito panalo ulit ang white team.
Pyramid cans ang ikaapat na laro na kailangang makabuo ng pyramid ang bawa’t player gamit ang paper straw na nakalagay sa bibig. Walang nanalo sa game na ito.
Candle blowing with a twist kung saan nakasuot ng stockings ang mukha ng players saka hihipan ang mga kandila habang hila-hila sila ng kalaban at finally nanalo na ang team ni Bea.
“Ang sakit sa mukha,” sambit ng dalaga.
Pingpong blow naman ang sunod na laro na hihipan ang mga pingpong balls para i-shoot sa plastic cups na katabi na may kanya-kanyang sukat ng layo at wala na namang nanalo rito.
“Luz Valdez” (read: talo) ang team Bea na tatanggap ng tig-P5k at ang nanalo naman ay tumanggap ng P20k pero kapag hindi nila nadobol ang panalo nila sa jackpot round na one hand deal ay kailangan parehas ang pagkakalapag ng bawa’t card at nanalo ulit ang team white.
Napansin namin na isa sa players ay ang road manager ni Bea na nawalan ng work sa Star Magic. In-absorb na kaya ng aktres ang RM niya kaya pala kasama na niya sa lahat ng lakad niya at doon na rin nakatira sa kanya?
Anyway, ang suwerte naman ng rider na nag-deliver ng pagkain sa bahay nina Bea.
“’Yung rider na magdadala ng food ay hindi niya alam na I will give him P15,000 through Paymaya money transfer and also 5,000 worth of load.
“I can’t wait to see his facial expression and his reactions when he finally find out kung ano ‘yung magkakaroon siya today and also I have this fan na healthworker na lagi niya akong pinupuntahan noon pa, I have to give her P20,000,” kuwento ni Bea.
At sa labas ng bahay ng aktres ay may lamesa kung saan nakalagay ang biscuits, chips, bottled water at iced coffee.
“Para po sa mga riders na dadaan po sa tapat ng aming bahay,” sambit ng aktres.
At ang masuwerteng rider na nakakuha ng 15k at 5k load ay bagong Grab rider na nawalan ng work sa isang advertising company (bilang project manager) kaya nagulat si Bea. Kumuha ng iced coffee at chips si kuya rider para raw sa baby niya.
Anyway, marami namang napasaya si Bea na mga manggagawa sa Labor Day. Sana all!
The post Bea namigay ng pera sa mga kasambahay, delivery rider para sa Labor Day appeared first on Bandera.
0 Comments