NAGPAKATOTOO si Bimby sa pagsagot sa mga kontrobersyal na tanong ng inang si Kris Aquino tungkol sa kanyang amang si James Yap.
Diretsahang sinabi ng binatilyo na napatawad na niya si James sa lahat ng kasalanan at pagkukulang nito sa kanya bilang ama kasabay ng pagsasabing hindi rin umano ito nag-e-effort na mag-reach out sa kanya.
Tanong ni Kris sa bunsong anak sa kanilang one-on-one interview bilang bahagi ng 14th birthday celebration ni Bimby, “Do you feel resentment that you have grown up with no dad?”
Tugon ng bagets, “No. Kasi I have such an awesome momma.” Binanggit din niya ang ilan pang “awesome” na tao na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal.
Sundot na tanong ng TC host-actress, “What I’m trying to say is, do you feel that there is something missing in your life?”
“No. Because all of those people overflowed it already. I am 10,000 times sure, I am one Googolplex sure,” sey ni Bimby.
“Have you forgiven your dad?” tanong uli ni Kris sa anak, “Yeah. Sorry sa bluntness ko ha. I don’t really care. Ito lang ha. Hindi siya bastos po. You forget. And when you look back at the memories, those horrible memories, mawawala na ‘yung pain.”
Dagdag pa ng anak nina James at Kris, hindi rin niya masyadong nakakausap ang kanyang ama.
“He has his own life, and I have my own life. We are not in contact,” pahayag ni Bimby. Kasunod nito, nilinaw din ng binatilyo ang chika na hindi siya pinapayagan ni Kris na kausapin ang ama.
“No. It’s the opposite. He’s the one who’s not trying to get in contact with me.
“I have a phone. And it just takes 10 digits sa keypad to call me. Eh, hindi niya ginawa in ilang years.
“But all those people who loved me, who cared about me are like 650,000 times better than what I could get from him. Sorry sa bluntness ko po ha,” dire-diretsong sabi pa ni Bimby.
Kung matatandaan, isa si James sa mga unang bumati sa ika-14 taong kaarawan ni Bimby. Nag-post pa siya ng lumang litrato nila ng anak.
“HAPPY 14th Birthday Bimb. I Love you no matter what! Wishing you all the best that life can offer. God bless you,” ang caption ni James sa kanyang Instagram post.
The post Napatawad na nga ba ni Bimby ang amang si James Yap? appeared first on Bandera.
0 Comments