Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

ABS-CBN, Teddy Boy Locsin ipinagtanggol si Angel; pinuri ang pagmamahal sa mga Pinoy

HINDI lang mga kapwa niya celebrity ang nagtanggol kay Angel Locsin sa kontrobersyang kinasasangkutan niya ngayon dulot ng itinayo niyang community pantry.

Maging si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddy Boy Locsin Jr. ay nagsalita na rin para depensahan ang TV host-actress sa mga bumabanat dito matapos mamatay ang 67-year-old na si Rolando dela Cruz na pumila sa kanyang community pantry.

Sa pamamagitan ng Twitter,  ipinagtanggol ni Teddy Locsin si Angel at sinabing hindi niya kasalanan ang nangyari at wala siyang dapat ihingi ng tawad

“No forgiveness needed; at least she tried to feed them; one was so starved and weak she couldn’t feed him in time,” bahagi ng tweet ng DFA secretary.

Aniya pa, unfair na sisihin ang aktres sa pagkamatay ng senior citizen dahil ang nais lamang nito ay ang makatulong at mapakain ang mga nagugutom.

“Blame those who don’t do what she and others like her — like my friends from the very start of the pandemic — are trying to do: feed the hungry and not their egos,” sabi ng kalihim.

Sa isa pang tweet ng dating TV anchor, sinaluduhan pa niya si Angel sa lahat ng magagandang nagagawa nito para sa bayan.

“You meant well. Road to hell is not paved w/ good intentions; that’s the excuse of animals whose intentions are always bad but know the road to hell well because they came from there.

“But keep away from Filipino political advisers; they are born stupid. Same advice for my side,” aniya pa.

Nag-sorry na si Angel sa publiko at sa pamilya ng namatay na senior citizen at nangakong tutulungan ang mga naulila nitong mga kapamilya sa abot ng kanyang makakaya.

Samantala, naglabas na rin ng official statement ang ABS-CBN hinggil sa issue at dinepensahan ang aktres.

“ABS-CBN believes in the goodness of the heart of our Kapamilya Angel Locsin, who in her personal capacity has tirelessly helped our countrymen in times of crisis.

“We admire her commitment to continue serving the Filipino people with selfless dedication and love. We stand by her and thank her for being a shining example of generosity, accountability, and compassion,” pahayag ng ABS-CBN.

Kung matatandaan, agad na nagpaliwanag si Angel nang mapabalitang may namatay na matanda na pumila sa kanyang community pantry at mabilis na inako ang responsibilidad sa nangyari.

“Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po siya na pumila daw po ng 3 a.m. at may naka-initan sa pila.

“Humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapag-usap po kami ng personal ng mga anak niya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila,” aniya pa.

“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari. I am very, very sorry,” ani Angel.

Nagsalita na rin ang anak ng nasawing senior citizen na si Jenifer Fosana at ipinagdiinan na hindi nila sinisisi ang aktres sa nangyari.

“Masakit pero wala naman may gusto na may ganito. Hindi naman kami naninisi ng ibang tao kasi hindi naman nila ito ginusto,” anito.

The post ABS-CBN, Teddy Boy Locsin ipinagtanggol si Angel; pinuri ang pagmamahal sa mga Pinoy appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments