NAKA-RECOVER na ang Kapuso singer-actor na si Khalil Ramos matapos tamaan at makipaglaban sa COVID-19 last month.
Negative naman ang resulta ng swab test ng kanyang close contact at girlfriend na si Gabbi Garcia.
“I had very, very mild symptoms. May kaunting hingal tsaka nangati ‘yung throat ko nang kaunti, tsaka headaches.
“‘Yung headache na migraine, pero hindi ako nagkalagnat at hindi rin tumuloy sa ubo,” pahayag ni Khalil sa panayam ng GMA kasabay ng pagpapasalamat dahil hindi raw nahawa ang kaniyang pamilya.
Ibinalita rin ng binata na kinailangan ding sumailalim sa quarantine si Gabbi habang hinihintay ang resulta ng kanyang test at nag-negative naman daw ang dalaga.
“She also had to undergo quarantine. Pero thankfully, never siyang nag-positive actually. And her whole family also is safe so buti na lang,” kuwento ni Khalil.
COVID-free na si Khalil ngayon matapos magnegatibo sa kanyang latest RT-PCR test. Kamakailan ay muli silang nagkita ni Gabbi para magkumustahan at para sa ilang commitments.
Samantala, na-inspire naman si Khalil sa ginawang pagtulong ng kanyang girlfriend sa pamamagitan ng pagtatayo ng community pantry sa kanilang lugar.
Kuwento ni Gabbi, “Sinabi ko sa parents ko na nakaka-inspire naman ito. Noong una sabi ko ‘Sige let’s start small.’ Meron kasi kaming regular na nagtitinda ng gulay dito sa village namin pati ng sorbetes.
“Sabi ko, ‘Kunin ko na lang muna, bilhin ko na lang muna lahat ng tinda nila for the day.’ The next day ginawa na namin, naglatag na kami ng tent,” aniya pa.
“Ayun ‘yung nakakatuwa. Kasi ang daming donations, overflowing ‘yung donations na dumadating,” dagdag pang chika ng Kapuso star.
Ilan sa mga natutulungan ngayon nina Gabbi ay ang mga delivery rider, security guard at ilan pang mga residente na pumapasok sa kanilang village sa Parañaque.
“If you want to help then okay, thank you. But if you don’t want to help tapos may masasabi ka pa, let’s not spread negativity na lang. Let’s help each other go through this pandemic,” pahayag pa ni Gabbi.
The post Khalil gumaling na sa COVID-19; Gabbi kinailangan ding mag-quarantine appeared first on Bandera.
0 Comments