Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Chynna: Sa mga nagsasabi pong may COVID kaming buong pamilya, hindi po totoo

MARIING pinabulaanan ng Kapuso actress at TV host na si Chynna Ortaleza ang fake news na tinamaan na rin siya at ang kanyang pamilya ng COVID-19.

Sa pamamagitan ng Twitter, nilinaw ng misis ni Kean Cipriano na maayos na maayos ang kundisyon nila at wala raw nahawa ng virus sa kanila.

“Sa mga nagsasabi po na may Covid kaming buong pamilya. Hindi po totoo…Praise God!” tweet ni Chynna. Aniya pa, hinding-hindi nila itatago o ililihim sakaling may magka-COVID sa kanyang pamilya.

“At huwag po kayo mag alala kung meron man e ako pa ang magsasabi dahil ang pinaka ayaw ko po e magtago ng importanteng impormasyon sa mga tao sa paligid dahil ang ayaw ko sa lahat e makahawa. Ok hand (smiling face with smiling eyes emoji),” paniniguro ng aktres.

Kamakailan, nagpaturok na rin si Chynna ng anti-COVID-19 vaccine sa Quezon City. Nagbigay pa nga siya ng ilang tips para sa iba pang magpapaturok ng bakuna.

Post ni Chynna sa Instagram: “1. Ensure you have eaten,gone to the toilet & you may drink paracetamol before going to your appointment.

“2. Wear n95 or double mask with face shield, comfortable cool clothes that you can easily roll up, documents can be placed in a plastic envelope so you can sanitize, own pen, water with straw to avoid removing the mask & lots of alcohol.

“3. Keep distance, be mindful and stay vigilant.

“4. Be kind to everyone and express your gratitude to the medical team, the lgu staff and the security personnel because they are doing us a great service.”

The post Chynna: Sa mga nagsasabi pong may COVID kaming buong pamilya, hindi po totoo appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments