Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa higit 784,000

Pumalo sa 12,000 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado (Abril 3), pumalo na sa 784,043 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 165,715 o 21.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 12,576 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umabot naman sa 96.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 0.30 porsyento ang moderate; 0.5 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 103 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 13,423 o 1.71 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 599 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 604,905 o 77.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

The post Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa higit 784,000 appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments