Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Direk JP nalungkot sa muling pagsasara ng sinehan, pero naniniwalang may mabuti ring dulot ang new normal

Sobrang happy ang direktor ng “I’m Drunk, I Love You” (2017) na si JP Habac nang siya ang napiling mag-direk ng “Dito at Doon” nina Janine Gutierrez at JC Santos.

Ang sumulat ng kuwento ng DaD na sina Alex Gonzales and Kristin Barrameda ang isa sa pumili kay direk JP. Ito ay produced ng TBA Studios at kinabibilangan din nina Yesh Burce, Victor Anastacio at Lotlot De Leon.

“Natutuwa ako na they approached me to direct this film kasi I can really relate with the characters in the story. I think everyone in this production parang at some point naka-experience nila ‘yung na-experience ng mga characters sa pelikula,” kuwento nito sa ginanap na zoom mediacon nitong Lunes.

“Kaya I’m so happy that I get to direct this project and to work with this wonderful cast,”  wika pa ni Direk JP.

Kaya naman nagpasalamat siya sa producers ng “Dito at Doon.”

“Ang natutunan ko in this project is to follow my instinct. The treatment that I used for this project is something that I haven’t tried with my other past projects. So with this one, talagang sabi ko this is not the type to play it safe, na parang mas maganda mag-explore pa at mapiga pa yung creative juices na natitira,” aniya.

“Parang kailangan maghanap ng bago na mabibigay sa mga tao. So with this project I was given that chance to explore more and actually sa TBA ko lang ‘yun na-e-experience na makapag-explore creatively, to have the total creative freedom,” kuwento ng direktor.

‘Yun nga lang nalungkot siya na hindi maipalabas sa mga sinehan ang “Dito at Doon” dahil sa Covid-19 pandemic lalo’t muling in-anunsiyo ang pagsasara ng mga sinehan sa ikalawang Enhanced Community Quarantine na matatapos sa Lunes, Abril 5, pero may balitang extended ito ng isa pang linggo.

“Nalungkot ako. Parang at first I was really anxious about going back to the cinemas kasi nga hindi pa rin safe pero kasi yung thought na parang may chance na makapunta ka ulit sa sinehan, parang sobrang nakaka-excite lang.

“Tapos whoops, hindi ulit puwede. Parang it’s a prank (laughs). Pero na-sad ako pero thankful pa rin kasi lima yung online platforms na puwede nilang puntahan and parang safe ka na sa bahay, mas marami pa yung access. Thankful pa rin and everyone’s safe,” pahayag ng direktor.

Nakapag-adjust na sa new normal si Direk JP kaya payag na siya sa lock-in shootings tulad din ng ibang direktor na may mga sinu-shoot o tine-tape na TV series.

“Okay ako sa ganito kasi for creative ang hirap kasi na-experience ko dati minsan on set nag-re-revise pa. So at least parang coming into the set for the lock in, kailangan meron na kayong final script.

“Mas napupulido, mas na-de-develop sobra ‘yung script at nakakapag-prepare pa talagang sobra para mapaganda yung pelikula. New normal. Ang laking tulong na merong sapat na tulog ang mga tao kasi iba yung naibigay nila na effort at commitment sa isang project,” paliwanag nito.

Ang soundtrack ng “Dito at Doon” na Nakikinig Ka Ba Sa Akin ng grupong Ben&Ben ang suhestiyon ng isa sa miyembro para sa pelikula.

“Mas nauna yung kanta ng Ben&Ben kesa sa pelikula. Kaibigan ko kasi yung isa sa member’s ng Ben&Ben, si Pat Lasaten.

“Tapos nagpatulong ako sa kanya kung meron siyang ma-re-recommend na mga songs. Nag-send siya ng mga songs tapos sinend niya rin ‘yung kanta nila na naririnig ko na before and then nung nakita namin ‘yung script isa ‘yun sa mga kanta na parang saan makuha kasi saktong-sakto talaga siya,” saad ni Direk JP.

Pawang magaganda ang reviews ng mga nakapanood na ng “Dito at Doon” na tiyempo o sinadyang isulat bilang kuwento ng pag-iibigan sa kasagsagan ng lockdown noong 2020 pero iisa ang tanong ng lahat, bakit bitin ang ending.

“Kasi yung buong pelikula parang it tackles the uncertainties of the pandemic and the lockdown last year up until now. Siguro ‘yung ending na ‘yun parang it’s also answering to the theme of uncertainty, kung ano ‘yung puwede mangyari pa at hindi puwede mangyari kaya ganun ‘yung naging ending,” katwiran ng direktor.

Kasalukuyang palabas pa rin ang Dito at Doon sa mga sumusunod na streaming platforms tulad ng KTX.ph, Cinema ’76 @ Home, iWant TFC, Upstream at Ticket2Me.

The post Direk JP nalungkot sa muling pagsasara ng sinehan, pero naniniwalang may mabuti ring dulot ang new normal appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments