Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Miriam nagbigay ng update sa pagbubuntis matapos magkaroon ng ‘subchorionic hemorrhage’

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng aktres at dating beauty queen na si Miriam Quiambao matapos lumabas ang resulta ng huling pagpapa-check-up niya sa doktor.

Buntis ngayon si Miriam sa ikalawang anak nila ng kanyang asawang inspirational speaker na si Ardy Roberto at kamakailan lamang ay inamin niyang delikado ang kanyang pagbubuntis.

Ibinalita ng TV host na nagkaroon siya ng bleeding nitong nagdaang December, isang araw matapos niyang ibandera sa buong mundo na nagdadalang-tao siya uli.

“Of all the challenges and blessings that marked the year 2020, I’ll have to say this one tops it all!” ang sabi niya sa isang Instagram post.

“I am found to have subchorionic hemorrhage which is tantamount to a threatened abortion (on top of the APAS or antiphospholipid syndrome condition Category 2 & 5) which now requires me to be on bed rest until the hemorrhage is resolved,” pag-amin ni Miriam.

At nitong nagdaang araw nga, ibinalita ng aktres na tuluyan nang nawala ang iniindang subchorionic hemorrhage makalipas ang ilang araw at ligtas na nga sa panganib ang ipinagbubuntis niyang sanggol.

“As of my last ultrasound for my first trimester screening, it was found that my subchorionic hemorrhage is resolved!

“Thank you Lord! Thank you as well to all those who prayed for me,” pagbabahagi pa ng Miss Universe 1999 first-runner up tungkol sa kanyang kundisyon.

Noong Dec. 30, 2020 in-announce nina Miriam at Ardy na magkakaroon na uli sila ng baby kasabay ng hiling sa kanilang mga kaibigan na ipagdasal na maging healthy ang bata.

“Amidst all the bad news that marked 2020—grabe ‘tong 2020—we want to end this with a high note, a happy note,” post ni Ardy sa kanyang IG.

“Thank God kasi meron Siyang naging surprise for us before Christmas, actually.

“We’re now so excited to share with you the great news that I’m positive—not coronavirus, but I’m positively pregnant!” sabi naman ni Miriam.

Anim na taon nang kasal ang mag-asawa at dumating ang first baby nilang si Elijah noong Feb. 16, 2019. Apat na taon din silang naghintay bago nagkaanak.

The post Miriam nagbigay ng update sa pagbubuntis matapos magkaroon ng ‘subchorionic hemorrhage’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments