Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ysabel Ortega gustong magpasampal kay Cherie Gil; Julie Anne, David nagpasabog ng kilig

GUSTONG makatikim ni Ysabel Ortega ng matinding sampal mula sa award-winning actress na si Cherie Gil.

Sa latest episode ng “In The Limelight” ng GMA Artist Center, ibinahagi ng Kapuso young actress na isa sa mga gusto niyang makatrabaho ay ang la primera contravida na si Cherie Gil.
At hindi lang daw basta makaeksena sa isang teleserye, gusto rin niyang makatikim ng sampal mula rito.

Kuwento ng dalaga, “The reason to that is because she’s one of the most respected actors in whole showbiz industry and I would love to learn from her.
“I would love to work with her, and gusto ko ring makatanggap ng sampal from her. Milestone ‘yun para sa artista, ang masampal ni Ms. Cherie Gil,” pahayag ni Ysabel.

Bukod dito, nais din umano niyang mapasama sa isang action-packed series kung saan masusukat ang galing niya hindi lang sa pag-arte kundi pati na rin ang kanyang physical skills.

“Gusto ko ng action because I feel like an action role is something that is both mentally and physically challenging and I feel like it’s also a step out of my comfort zone kasi nakapag-romcom na ‘ko, nakapagdrama na ‘ko, so gusto ko naman ng action,” chika pa niya.

* * *

Nagpasabog ng kilig ang bagong Kapuso loveteam na sina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Julie sa kanyang fans ang isang portrait selfie na may caption na, “Hey.”

Nag-comment naman dito ang kanyang “Heartful Cafe” co-star na si David na nagsabing, “Hi,” with matching shy emoji.

Sa simpleng palitan ng mensahe ng dalawa ay tila kinilig na ang kanilang fans dahil umani agad ito ng sandamakmak na likes at comments.

Sabi ng isang netizen, “David ha, sinasabi ko sa’yo. Bantay ka lang. AHAHAHA. Do’n ka sa dulo, mahaba ang pila bawal sumingit! Char.”

Komento ng isa pa, “Naging busy lang ako, ambilis mo nang mag-hi sa iba. Charot!”

Sa seryeny “Heartful Cafe” gaganap si Julie bilang si Heart Fulgencio na isang online romance novelist na nagmamay-ari ng Heartful Café, isang family-run coffee business kung saan ipagma-match n’ya ang kanyang mga customers base sa kanilang profiles at personalities.

Si David naman ang gaganap bilang si Ace, ang love interest ni Heart sa serye. Ito ang unang pagtatambal ng dalawang Kapuso stars.

“First time ko makaka-work si David bilang leading man kaya I’m excited. We see each other around GMA. Pero we never really had the chance to talk or magkamustahan. Siguro dito ko mas makikilala si David.

“Dito namin malalaman ang capability namin ni David as a love team. I’m also looking forward kung anong mai-offer ng team up sa audience and ano mai-offer namin sa isa’t isa. Gusto namin maging organic lang lahat,” kuwento ni Julie sa isang panayam.

The post Ysabel Ortega gustong magpasampal kay Cherie Gil; Julie Anne, David nagpasabog ng kilig appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments