Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Royce Cabrera suki na ng indecent proposal mula sa beki at matrona, may pinatulan ba siya?

SUKI na ng mga indecent proposal ang bagong Kapuso actor na si Royce Cabrera.

Pero aniya, hindi siya nao-offend o nababastusan sa mga ganitong klase ng offer mula sa mayayamang bading o matrona.

“Yes po, yes po nakatanggap na rin po ako (one night stand, indecent proposal). Lahat naman po kasi dumaan sa manager ko dati na co-manager ko na ngayon, si Tito Dudu Dulay.

“Kasi, lahat naman po ng inquiry, lahat naman po ng mga tanong sa akin, number niya naman, siya nakikipag-usap.

“Pero open naman kami sa isa’t isa kaya kinukwento niya rin sa akin ‘yung mga ganitong bagay,” paliwanag ng binata sa panayam ng GMA.

Chika pa niya, sa halip na magalit o mapikon, tinitingnan na lamang niya ito in a positive way, “Pagdating dito sa indecent proposal, thankful naman po ako in a way na kasi naa-appreciate po ‘yung trabaho na ginagawa ko, ‘yung role na ginagawa ko.

“Hindi ko naman siya tine-take as a negative way, kasi kumbaga, napapansin ako ng tao sa trabaho na ginagawa ko. And hindi ko rin naman sila kino-control sa mga bagay na ginagawa nila.

“And as long as wala naman po akong tinatapakang tao, ginagawang mali, okay lang naman po ‘yung mga ganu’ng bagay,” aniya pa.

Kahit daw sa mga social media account niya ay nakakatanggap din siya ng mga ganitong offer, “Kapag about po sa mga ganu’n, talagang sinasabi ko, ‘Tanong n’yo na lang po sa manager ko, inquire niyo na lang po sa manager ko.’

“Kasi, minsan iba po ‘yung intro, e. ‘Tapos, kapag nakakausap, nag-iiba na rin ‘yung inquiry. Ngayon kasi nasa digital world na tayo kaya makikita mo sa comments, nag-di-DM (direct message) sa ‘yo.”

“Pero, hindi ko na lang din pinapansin, dedma na lang din kasi kumbaga, hindi mo rin naman sila mako-control sa mga gusto nilang sabihin sa ‘yo, e.

“Hindi naman natin alam kung bakit nila nasasabi ‘yung ganung bagay, so dedma na lang din sa mga ganu’n,” lahad pa ng aktor.

Ngunit ipinagdiinan ni Royce na handa rin siyang gawin ang lahat para sa pamilya tulad nga ng magiging karakter niya sa episode ng “Magpakailanman” bukas ng gabi.

Isang masahista na nag-aalok ng “extra service” ang role niya sa #MPK hosted by Mel Tiangco. Napilitan siyang gawin ito para matulungan ang pamilyang naghihirap.

“Ako, talagang lahat para sa pamilya, gagawin ko. Kasi sila ‘yung sandigan, e, ‘yung pader, sila ‘yung nakasuporta sayo sa mga bagay na ginagawa mo.

“Bilang si Makoy, nakaya niyang gawin lahat para sa pamilya niya, ako naman si Royce, kaya ko rin gawing lahat para sa pamilya ko. Kasi family is family, e, sila ‘yung talagang makakasama natin. Lahat po,” pahayag pa ni Royce Cabrera.

The post Royce Cabrera suki na ng indecent proposal mula sa beki at matrona, may pinatulan ba siya? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments