INAMIN ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha na hirap na hirap pa rin siyang kumanta dahil sa pagkabingi ng isa niyang tenga.
Matindi ang naging epekto ng bacterial meningitis kay Lani na dumapo sa kanilang mag-asawa last year, isa na nga riyan ang pagkawala ng kanyang pandinig.
Kaya naman effort kung effort ang pagpe-perform para sa kanya dahil nga hirap siyang marinig ang boses niya pati na ang tugtog (minus one o recording) na kanyang sinasabayan.
Tulad nga nu’ng mag-perform siya sa anniversary episode ng “All-Out Sundays”, talagang medyo nahirapan siya sa kanyang production number pero in fairness, ang bongga pa rin ng kanyang pasabog.
Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat ang OPM icon sa lahat ng nanood ng “AOS” kasabay ng pagpapaliwanag sa iniindang karamdaman.
“I may be 2 days late but thank you for spending your afternoon with us last Sunday on @alloutsundays7. I cannot thank you enough for pouring out all your love and support to me,” caption ni Lani sa kanyang IG post.
Dagdag pa niya, “I’m still struggling with my singing. I cannot hear my voice well as well as the music. With the tinnitus being too predominant in my head is oftentimes masking the other sounds around me that also oftentimes driving me nuts.
“But with all of you cheering me on I’m slowly regaining my confidence. Thank you uli. (may pa heart pa) Join us again this coming Sunday on @alloutsundays7 on @gmanetwork,” aniya pa.
Kung matatandaan, ibinahagi ni Lani na noong October, 2020 ay naospital sila ng asawang si Noli at na-confine sa Intensive Care Unit (ICU) matapos ma-diagnose ng bacterial meningitis (an infection of the membranes surrounding the brain and spinal cord).
“I believe some of you already know about what happened to me and to my husband. Nagkaroon kami ng bacterial meningitis nung October. We are okay naman ngayon. But the problem is ‘yung bacterial meningitis na ‘yan ay iniwanan kami ng souvenir.
“At ang souvenir na ‘yon ay hearing loss at vestibular dysfunction. Like every single day mayroon kaming hilo sa ulo. ‘Yung konting movement ng head, ‘yung ganyan super nakakahilo na ‘yan,” Lani shared.
“Ako ang right ear ko ang bingi and ‘yung left ear ko ay medyo nakakarinig. Pero ang malala talaga na bingi is si Papa Nolz,” ani Lani sa kanyang Instagram video habang tine-test ang kanyang hearing aid.
Aniya pa, “Guys, maraming-maraming salamat sa inyong lahat na nag-offer ng kanilang prayers and thank you so much for your love and support. I love you guys.”
The post Lani nahihirapan pa ring kumanta dahil sa pagkabingi: I cannot hear my voice well… appeared first on Bandera.
0 Comments