Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Carla umaming naiirita kay Tom: Hindi kami laging lovey-dovey at sweet-sweet

DIRETSAHANG sinabi ni Carla Abellana na may pagkakataon talagang naiirita siya sa kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez.

Aniya, hindi rin perfect ang pagsasama nila ng aktor at natural lang naman daw sa isang relasyon ang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Sa bago niyang vlog sa YouTube sinagot ng Kapuso actress ang ilang tanong ng netizens tungkol sa kanyang ugali. May mga nagkomento pa nga na “moody” at “snob” daw siya.

Ilang fans pa nga ang nag-comment at nagtanong kung bakit may mga  vlog siya kung saan halatang binabara-bara raw niya si Tom.

Sey ng “Love Of My Life” actress, “There may have been episodes in my YouTube channel kung saan parang irritated ako kay Tom, ‘di ko siya masyadong napapansin, ‘di ko siya masyadong pinapakinggan but it’s not always like that.

“Alam kong hindi magandang panoorin, hindi magandang makita kaming ganoon, and I don’t do that naman on purpose,” chika ni Carla.

Mahigit anim na taon nang magkarelasyon ang Kapuso couple at hindi raw talaga puro kulay rosas ang kanilang pagsasama.

“It’s not always lovey-dovey, sweet-sweet, whatever chemistry ganyan. Given na six and a half years that Tom and I have been together, there are times na medyo nakakairita naman din.

“So nangyayari ‘yon, but then I apologize for that but it’s not always like that naman.

“At least, napapanood n’yo sa ibang mga online videos na kahit papaano nakikita n’yo na love ko naman talaga si Tom at ‘di naman ako snobbish or moody at all times,” lahad ng award-winning actress.

Hindi rin daw talaga sila showy ni Tom pagdating sa PDA o public display of affection, “I’m not showy particularly in public, ‘di ako masyadong showy if you notice Tom and I are not into too much PDA or public display of affection.

“Siguro gano’n lang siguro ako pinakalaki but it’s not because we’re in show business but in all of my past relationships na rin that I’ve been.

“Hindi naman talaga ako gaano ka-showy, ‘di naman sa ‘di ako comofortable o I don’t do it in purpose but it’s just really who I am,” pahayag niya.

“There are so many ways naman how you can show your love for your loved ones or for your partner.

“There are many ways, ‘di kailangan through physical means, ‘di naman din porket ‘di showy, e, hindi ko mahal si Tom or ‘di ako affectionate. I express my love in other ways,” paliwanag pa niya.

May nagtanong din sa kanya kung selosa ba siya, “Hindi, e. Number one you should not be kung wala namang basis, ‘di ba, kung you trust your partner a hundred percent.

“Really, my times na ang jealousy gets in the way but really it’s not good in the relationship and kung wala naman talagang pagdududa, hindi dapat, sayang lang ‘yan sa effiort and sa time.

“So ‘wag na magselos, be confident in yourself, be confident that your partner loves you, loves everything about you.

“There’s nothing that will get in between that or no one will get in between that,” mensahe pa ni Carla Abellana.

The post Carla umaming naiirita kay Tom: Hindi kami laging lovey-dovey at sweet-sweet appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments