Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Janine payag gumanap na Valentina sa ‘Darna’ ni Jane, pero…

GAME ang bagong-lipat na Kapamilya actress na si Janine Gutierrez na gumanap na Valentina sa bagong version ng “Darna”.

Ngunit nilinaw ni Janine na wala pa talaga siyang alam kung makakasama siya sa TV remake at muling paglipad ng iconic Pinay superhero.

Kalat na kalat na kasi ang chika na sa paglipat niya sa ABS-CBN ay isa raw sa una niyang magiging proyekto ay ang pagganap na kontrabida sa “Darna” bilang si Valentina.

Isa si Valentina, ang babaeng ahas sa mga mortal na kaaway ng makasaysayan at sikat na sikat na Filipina superhero.

Sa ginanap na virtual mediacon ng Dreamscape Entertainment para sa pagiging Kapamilya ni Janine, isa nga sa natanong sa kanya ay kung tuloy na ang pagganap niya bilang millennial kontrabida ni Jane de Leon na siyang gaganap na Darna.

“It’s so interesting for me, kasi, of course, I’m a fan of Darna, I’m a fan of all the old films,” tugon ni Janine.

Nabanggit pa niya ang pagganap noon ng kanyang lolang si Pilita Corrales bilang Valentina sa “Darna: Ang Pagbabalik” na ipinalabas noong 1994 na pinagbidahan ng dating beauty queen na si Anjanette Abayari.

“Siyempre, flattered ako na nakikita ako ng ibang tao na mapasama sa ganoong klaseng proyekto. But I don’t know, we’ll see,” aniya pa.

Pero sabi ng dalaga, ang sure na sure na sa ngayon ay ang regular na hosting job niya sa Sunday concert variety show na “ASAP Natin ‘To” at isang teleserye mula sa Dreamscape Entertainment.

Gagawa rin siya ng pelikula under Star Cinema. At posible ring magkaroon muna siya ng guesting sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin bago ang kanyang sariling teleserye.

Samantala, ilan sa mga Kapamilya stars na gustong makatrabaho ni Janine sa teleserye ay sina Paulo Avelino at JC Santos na nakasama na niya sa pelikula at si Carlo Aquino.

Sa mga female stars naman, idol na idol daw niya sina Anne Curtis, Angel Locsin, Angelica Panganiban, pati sina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

Nang mabanggit sa kanya ang pangalan nina Liza Soberano at Enrique Gil ay napa-“Oh My God” ang dalaga.

Hindi raw talaga niya binanggit ang Kapamilya couple dahil hindi pa niya nai-imagine ang sarili na makatrabaho ang dalawa.

Inamin ni Janine na isa siyang LizQuen fan at gustung-gusto niya talaga si Liza. At kung bibigyan siya ng chance na makasama sa isang project ang magdyowa, talagang tatanggapin niya ito agad.

The post Janine payag gumanap na Valentina sa ‘Darna’ ni Jane, pero… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments