Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kris type jowain sina Alden, Piolo, Empoy, Willie at Bong Go: Gusto ko talaga makinis, malinis

ALIW ang pagsabak sa “Jojowain at Totropahin” challenge ni Kris Aquino kung saan diretsahan niyang inamin na gusto niyang jowain si Piolo Pascual.

“Without a doubt talaga, jojowain ko siya,” sabi ni Kris. “He’s very noble,” ang hirit naman ni Bimby na katabi ng kanyang mama habang kumakain sila.

“We’re not asking for your opinion Bimb, this is mine. Hi Papa P,” nakangiting sabi uli ni Kris.

Dagdag pa niya, “Pakikisamahan ko buong pamilya mo, your mom likes me ‘coz your mom likes my mom.”

Gusto rin ni Kris si Alden Richards dahil sa magandang kutis at dimples nito, “Wala ito sa edad ha, jojowain because of Hello, Love, Goodbye (pelikula nila ni Kathryn Bernardo). Saka ang cute ng dimples niya at ang kinis niya, kasing kinis ko siya. Ay talagang kinompare ang sarili kay Alden, oh.”

Si John Lloyd Cruz, “Jojowain! Yes and you know why, nabalitaan ko lang very generous siya. Ha-hahaha! Saka Year of the Pig din siya, eh, so para kumpleto na kami kasi Pig si Kuya (Josh), pig si Bimb at pig ako at siya rin, hi JLC.”

Totropahin naman ang sagot niya nang mabanggit ang pangalan ni Coco Martin kahit generous pa raw ito tulad ni John Lloyd, “Tropa kasi generous siya sa tropa niya. Maalaga siya sa tropa niya, so totropahin ko siya (sabay hanap ng regalo sa kanya ng aktor).

“Nu’ng nakatrabaho ko siya, (Kung Tayo’y Magkakalayo 2010) binigyan niya ako ng Orlina (sculpture) take note pink. Tropa palang ‘yan, ha. He has taste, yes tropa.”

Daig ni Empoy Marquez si Coco dahil type siyang jowain ni Kris na inabot ng ilang segundo sa pag-iisip, “You know why, ang bait niya and he makes me laugh kaya puwede ko siyang jowain.”

Dagdag ni Bimby, “Kindness goes a long way.”

“Yes, nice siya talaga. Oo gustung-gusto ko talaga ‘yung ugali niya magaan siya, ayoko ng mga pabigat!” sabi ni Kris.

E, si Willie Revillame na ipinaalam pa niya kay Bimb kung ano ang isasagot nito, “Wala na akong paki, mom, ha. Ha-hahaha.” At nang sabihin ni Kris na jojowain, “Yeah, hes’s very generous,” sabi pa ng anak.

“I know that he has his money and we have our money and then I also know na with him, you know what you’ll getting yourself into kasi hindi naman nambobola, alam naman nating babaero siya, so, what’s the big deal? (natawa si Bimb).

“At least I know, mas okay na sa akin na huwag kang magpanggap na ito ako, e, di ‘yun. Feeling ko naman, he’ll treat you (Bimb) and Kuya well.

“Hindi lang kami magkakasundo in a sense na hindi siya mahilig matulog (sabay hirit ni Bimb, that’s what we notice kasi even 6 a.m. or 4 a.m., he’s awake). E, ako ang hilig kong matulog. Pero gusto ko rin kasi malinis at maayos siya sa bahay, ayoko ng madudumi,” mahabang sabi ni Kris.

Maganda ang tingin ni Kris kay Gabby Concepcion kaya, “Totropahin kasi takot ako sa mas maganda sa akin. He’s not handsome, eh, he’s beautiful (hirit ni Bimb, there’s a big difference of beauty and handsome).

“‘Yung mukha niya beautiful, eh, kasi ‘yung kutis, ‘yung lips, ‘yung nose, ‘yung mata. Kung naging babae ‘yan, Miss Universe ‘yan! Pag magkatabi kami sa picture hindi ka na mapapansin, ayaw ko, gusto ko pansinin ako,” paliwanag nito.

Totropahin din ang sagot ni Kris kay Sen. Antonio Trillanes, “Kasi ayaw ko nang dumalaw sa kulungan (sinita siya ng anak), that’s how my life Bimb as a child! At this point in my life I don’t want to repeat that experience no more, pinagdaanan ko na ‘yun from 1 until I was 9 (years old).

“And now that I’m hitting the half century mark one assassination in the family is enough (muntik namang mabilaukan si Bimb sabay sabing, ‘cheers everybody’).”

Kahit gustong jowain ni Kris si Pasig City Mayor Vico Sotto ay mas pinili nitong maging tropa na lang, “Kasi bilib na bilib ako sa trabaho niya, sa ginagawa niya, sa humility niya and kung ako maging asawa niya magiging minus ako sa kanya kasi mapipintasan (Vico), ‘bakit ganyan ang asawa ang arte, ang simple-simple ni Mayor, o di ba? Kawawa naman si mayor.”

Jojowain din ang tugon niya kay Raffy Tulfo dahil pareho sila ng mga gusto pagdating sa sapatos na pawang mamahalin at sadyang kinokllekta ito ng sikat na TV host/broadcaster kaya type ni Kris.

Pinapili kung jojowain o totropahin ang lalaking hindi pa sinabi ang pangalan pero ang sagot ni Kris ay jojowain at nang banggitin na ang pangalan ni Sen. Bong Go ay natuwa siya.

“Ay kaya kong sagutin ‘yan kasi makinis siya. Sorry ha, I know this is mababaw pero ayaw ko talaga ng ma-pimple. Importante talaga sa akin na makinis ‘yung kutis. E, si Bong Go feeling ko mahilig siyang maligo kasi makinis talaga ‘yung skin niya and he’s been nice to us at ang dating niya hindi siya mayabang.

“So gusto ko siya because how he treated me before Noy (PNoy) became President when I go to Davao to meet with them, campaign period, when Noy was president and I went there (Davao) and he was assigned by Presidente Duterte was mayor Duterte then to make me ikot and take care of me, brought me pa to Pastor Quiboloy (Apollo) to that mountain and all hindi niya ako pinabayaan and until now, he’s still nice walang nagbago sa kanya.

“Okay ‘tong lalaking ‘to kasi wala naman siyang pakinabang sa akin and yet he’s still safe nice so for me, ‘yun ang mga gusto kong tao and skin matters! Kung nawiwirduhan kayo sa akin, it’s my choice, tinanong n’yo ako, ako naman ‘yung magjojowa hindi naman kayo,” mabahang paliwanag ni Kris.

Samantala, ipinagdiinan ni Kris na huwag seryosohin ang “Jojowain at Totropahin” challenge dahil katuwaan lang daw ito.

The post Kris type jowain sina Alden, Piolo, Empoy, Willie at Bong Go: Gusto ko talaga makinis, malinis appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments