Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Wish ng mommy ni Bea sa mapapangasawa ng anak: Maging totoo lang at ‘wag babaero, please!

DAHIL sa “prutas mukbang” ng mag-inang Mary Ann Ranollo at Bea Alonzo ay nalaman ng publiko na may ekta-ektaryang farm na palang pag-aari ang aktres.

Ang mga nakatanim daw doon ay mga puno ng manga, mahogany at iba pa. May mga alaga rin silang tupa at baka at sa pagkakaalam namin ay may manukan din sila.

Anyway, habang pinanonood namin ang “Q&A + Jojowain o Totropahin with my Mom vlog” ng aktres ay aliw na aliw kamindahil ang sarap nilang panooring mag-ina at dito mo makikita na super close talaga sila at napaka-cool din pala ng nanay ni Bea.

Sa huling bahagi ng vlog ay naglaro sila ng nanay niya kung sino sa mga aktor ang type nilang tropahin o jowain.

Jojowain ni mommy Mary Anne sina Gabby Concepcion, Richard Gomez, Alden Richards, John Lloyd Cruz, Ian Veneracion at Dominique Roque.

Si Bea naman ay type ring jowain sina Dominique, Alden, Piolo Pascual, John Lloyd, Paulo Avelino, Ian at Albert.

Parehong tropa naman ang tingin ng mag-ina kina Daniel Padilla, Derek Ramsay, Richard Gutierrez at Aga Muhlach.

Sa tanong kung ano ang pangarap ng ina ni Bea para sa kanya, “Ang magkaasawa ka nang maayos na lalaki, ang magkapamilya ka soon, sana.”

Sino sa mga naging ex boyfriend ng aktres ang hindi type ng mama niya? “Oh my God, tinatanong pa ba ‘yan?  Diyos ko ayaw kong magsalita pero huwag ninyo nang itanong, alam n’yo na! Next question please!” ang tila umismid pang sabi ng nanay ni Bea.

Hmmmm, sino kaya kina Jake Cuenca, Gerald Anderson at Zanjoe Marudo ang hindi nagustuhan ni mommy Mary Anne?

Bakit naman Phylbert Angelli ang pangalan ni Bea? “Kasi noong ipinanganak kita, uso ang panglalaking pangalan, so pinagdugtong-dugtong ko lang, pangalan ng tatay ko, tapos pangalan ko and at that time favorite ko si Gelli de Belen kaya Angelli.”

Ang paborito naman ni Mommy Mary Anne at hindi malilimutang linya ni Bea sa mga pelikulang nagawa ng aktres ay ang, “Sana ako na lang, ako na lang ulit,” na mula sa pelikulang “One More Chance” na ipinalabas noong 2007.

Nagkatawanan ang dalawa at panay ang palakpak ni Bea para sa ina.

Kaninong mukha naman ang gusto ni Mommy Mary Anne na makipagpalit? “Sa ‘yo puwede, one-day? Mag-explore lang ako?” natawang sabi nito sa anak.

“Anong explore gagawin mo?” balik-tanong naman ni Bea.

“Naku, lahat ng hindi ko naranasan dahil hindi ako maganda, guys!” natatawang sagot ng nanay ng aktres.

Ano nga ba ang pangarap ng ina ni Bea? “Yung makita ko kayong dalawang magkapatid na maayos na, pamilyado na, lalo sa ‘yo.”

Ano ang proudest at disappointing moment ni Mommy Mary Anne kay Bea? “Since naging artista ka, siyempre proud na proud ako kapag nakikita kita sa pelikula, sa TV. Parang ako ‘yung maganda.  At ang pinaka-disappointing moment, pag pumapayag kang niloloko ka, pag nagpapaloko ka!” diretsong sabi ng nanay ng dalaga.

Ang gustong katangian ng mama ng aktres para sa future hubby niya ay, “Maging mabait lang, maging totoo huwag babaero, please!” diin nito na talagang ikinahagalpak ng aktres.

The post Wish ng mommy ni Bea sa mapapangasawa ng anak: Maging totoo lang at ‘wag babaero, please! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments