Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ellen kay John Lloyd bilang tatay: Kailangan din siya ng anak ko

OKAY na raw ang relasyon ngayon nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kaya maayos na rin ang kasunduan nila sa pagpapalaki sa anak nilang si Elias.

Ayon sa dating sexy star, sa kabila ng mga hindi kagandahang nangyari sa love story nila ng aktor, mas pinili nilang magkaroon ng magandang relationship bilang mga magulang ng kanilang anak.

Alam daw niya kung gaano kamahal ni Lloydie si Elias kaya walang dahilan para ipagkait niya ang bata sa kanyang tatay. At nakikita naman niya ang kaligayahan ng bata kapag kasama ang kanyang tatay.

“My son needs him as much as he needs me. I see their relationship and I see how happy my son is when he is around,” ang pahayag ni Ellen sa panayam sa kanya ng Preview.

Aminado naman ang single mom na may kasalanan din siya kung bakit hindi sila nagtagal ni John Lloyd at nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagmamahalan.

“Because when I had my issues with JL, (Akala) ko okay, if I don’t allow my son to see his father, how will I tell him it’s because I had animosity towards his father? Damay pa yung bata sa mga issues ko.

“And because I had so many issues na hindi pa na-resolve, I was projecting it on him,” paliwanag pa ni Ellen sa naging samahan nila noon ni Lloydie.

Napakalaki raw ng naitulong sa kanyang mental health at positibong pananaw sa buhay ang ginawa niyang meditation training sa Bali, Indonesia.

“I can say I’m 100% okay. I feel my environment changed. Like his approach to me, my relationship with him has changed without asking him to change. So I was just really the problem. Ha-hahaha! How I viewed it, my thinking pattern, was the problem,” pag-amin pa niya.

At bukod nga riyan, may isa pang magandang naidulot sa kanya ang kasunduan nila ni John Lloyd hinggil sa pag-aalaga kay Elias.

Dahil nga may mga aras na nasa pangangalaga ni Lloydie ang bata may oras na ang aktres na makapagtrabaho at makabalik sa showbiz makalipas ang mahigit dalawang taong pamamahinga sa pag-arte.

“If Elias will be with his dad, and it’s only five days, hindi siya ngarag, might as well do it, right? So that’s why I said yes.

“If I get offered a project, and timing din sa schedule that he can be there for my son when I’m working, walang problem,” pagpapakatotoo pa ng madiskarteng celebrity mommy na bibida sa isang sitcom sa TV5 kasama si John Estrada.

The post Ellen kay John Lloyd bilang tatay: Kailangan din siya ng anak ko appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments