Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mag-asawang aktor at aktres inirereklamo ng mga kapitbahay: Laging nag-aaway, parang may bugbugan!

“HINDI ko alam kung ano ang madalas nilang pag-awayan, ang nakaka-worry ay lagi silang nagkakalabugan, nagbabatuhan ng gamit na parang may bugbugan!”

Ito ang kuwento sa amin ng isa sa unit owner na nakatira sa kilalang condominium building sa Makati City.

Ang tinutukoy ng aming source ay ang mag-asawang aktres at aktor na pawang supporting roles ang nakukuhang projects sa pelikula at teleserye.

Nasa parehong floor ang unit ng aming source at ng mag-asawa na kahit soundproof ang bahay nila ay maririnig pa rin ang sigawa at kalabugan sa loob kapag sila’y nag-aaway.

Ang sabi sa amin, ilang beses na pala silang inireklamo sa building administrator at napagsabihan na rin sa grabeng ingay nila dahil nga nakakaistorbo sila sa ibang unit owners.

Walang alam sa showbiz ang aming source dahil sa nature ng trabaho niya na hindi na namin babanggitin kung ano, kaya tinanong kami kung regular ba ang trabaho ng mag-asawa dahil madalas ay nasa bahay lang sila.

Sinabi namin na bihirang magka-project ang dalawa kasi nga pawang support lang ang roles na ginagawa nila sa mga teleserye at pelikula pero magaling naman talaga silang mga artista.

“Baka kaya laging nag-aaway kasi wala silang regular job at naiinip na sila dahil lagi lang silang nakatambay sa bahay nila.

“Sabi ng ibang unit owners hindi sila lumalabas at lagi lang nagpapa-food delivery, meaning hindi sila nagluluto ng mga pagkain nila!?” kuwento pa sa amin ng source.

Si aktres ay kilalang-kilala na ng publiko dahil galing siya sa showbiz family samantalang si aktor ay kilala rin dahil sa apelyido niya.

Anyway, nai-record pala ang pag-aaway ng mag-asawa in case na magplano ang co-unit owners nila na magsampa ng reklamo sa mas mataas na level.

The post Mag-asawang aktor at aktres inirereklamo ng mga kapitbahay: Laging nag-aaway, parang may bugbugan! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments