BONGGA ang mga regalong ibinigay ni Vice Ganda para sa kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan nitong nakaraang Pasko.
Sa latest vlog ng TV host-comedian, ibinahagi niya ang ilang ganap sa kanilang Christmas celebration sa bago niyang bahay )na mala-hotel sa ganda at laki), kabilang na ang naganap na gift giving.
May titulong “NOCHE BUENA SA HOUSE OF GANDA,” ipinakita ni Vice sa bago niyang vlog entry sa YouTube ang pagbibigay niya ng regalo sa mga mahal niya sa buhay pati na ang prank na ginawa niya sa kanyang nanay.
Nagsimulang ibigay ni Vice ang mga regalo niyang underwear at medyas sa mga friends niya ngunit na-shock ang mga ito nang makita ang mga jewelry box sa kahon nito. Bukod pa rito ang mga iniabot niyang mga designer bag at shoes.
Binigyan naman niya ang anak-anakan na si Ryan Bang ng Gucci toiletry bag habang isang Yves Saint Laurent gym bag ang regalo niya sa boyfriend niyang si Ion Perez.
Sa huli, pinabuksan ni Vice sa kanyang inang si Rosario Viceral ang isang box na may limang tissue na game na game naman nitong tinanggap. Pero muli siyang inabutan ng box ni Vice kung saan nakalagay ang isang Rolex watch.
Binigyan naman siya ng ina ng bed sheets habang pajamas naman ang regalo sa kanya ng isang kapatid.
Sey ni Vice, “Naiiyak ako. Sa ilang Pasko na pinagdaanan, ngayon lang nila ako niregaluhan. Naiiyak ako talaga. Kung kelan pandemya may panregalo kayo sa akin ah. Naiyak ako talaga.”
* * *
Tayung-tayo ang bandera ng LGBTQ+ community sa mga pelikula at seryeng handog ng pinakabagong mobile streaming platform na POPTV.
Panoorin ang mga dekalibreng pelikula tulad ng “Die Beautiful,” “The Third Party,” at “Kasal” na pawang tumatalakay sa kwento ng pag-ibig ng mga miyembro ng gay community.
Kwela at katatawanan naman ang hatid ng mga pelikulang “Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend?” “Bekikang” at “Working Beks.”
Muli ring mapapanood sa POPTV ang mga naunang gay-themed movies na talaga namang pinag-usapan dahil sa matitinding love scenes tulad ng “Daybreak” ni Coco Martin, “Ang Lalaki sa Parola,” at “Ang Lihim ni Antonio.”
Pagdating naman sa indie films, available din for streaming ang coming-of-age movie na “2 Cool 2 Be Forgotten” ni Khalil Ramos at Jameson Blake, at ang military-themed drama na “Esprit De Corps” ni JC Santos at Sandino Martin. Nariyan din ang “Baka Bukas” ni Jasmin Curtis at “Chedeng at si Apple” nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa, kung saan lesbiyana naman ang pangunahing mga karakter.
Bukod dito, mapapanood din sa POPTV ang tagalized BL series na “Dark Blue Kiss” at “SOTUS” na kinatatampukan ng Thai superstars na sina Tay Tawan, New Thitipoom, Singto Prachaya, at Krist Perawat.
Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P49 lang valid sa loob ng tatlong buwan.
Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph.
The post Vice niregaluhan ng Rolex watch ang ina; LGBTQ+ waging-wagi sa POPTV appeared first on Bandera.
0 Comments