Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Gina Pareño: Pasado ba ako ‘pag nag-audition ako sa Disney?

SUPORTADO ng mga netizens ang award-winning veteran actress na si Gina Pareño sa plano nitong mag-audition para sa isang Disney movie.

Agad nag-post ang aktres sa kanyang social media account matapos maglabas ang Walt Disney Studios na naghahanap sila ng isang Filipino lola para sa isang karakter sa gagawin nilang international film.

Sa kanyang Twitter account, nagpahayag nga ng interes si Gina Pareño na mapasama sa nasabing project. Aniya, “Pasado ba ako ‘pag nag audition ako sa Disney? RETWEET IF YOU AGREE.”

Marami naman ang tumugon sa panawagan ng beteranang aktres, at ni-retweet ang kanyang post. Tinag pa nila ang Twitter page ng Disney sa kanilang mga post.

Ayon pa sa mga netizens, perfect sa role si Gina dahil bukod sa napakagaling nitong umarte, pasado siya sa lahat ng requirements na ibinigay ng Disney para sa hinahanap nilang gaganap sa Filipino lola.

Ayon sa Sarah Finn, ang casting team para sa upcoming Disney film, ang hinahanap nila para sa nasabing role ay, “no professional acting experience is required; interested applicants need only to send a short video with a self-introduction part in English, and a part where aspirants share a story about their family or favorite activity, in whatever Filipino language or dialect they prefer.”

Bukod dito, kailangan daw sa mga magbabalak mag-audition ay “authorized to work in the United States, as the filming location will be in Atlanta, Georgia.”

Kung acting awards lang ang pag-uusapan ay pasok na pasok ang aktres sa project dahil siguradong hindi niya ipapahiya ang mga Filipino sa buong mundo.

Hindi lang sa bansa humakot ng awards ang aktres, maging sa iba’t ibang bansa ay nanalo na rin siya ng international acting awards. Ilan dito ay ang best actress trophy niya para sa pelikulang “Kubrador” mula sa Amiens International Film Festival, Osian’s Cinefan Festival of Asian and Arab Cinema, at sa 33rd Festival International du Film Indépendant de Bruxelles (Belgium).

Nagwagi rin siyang best actress sa Pacific Meridian International Film Festival noong 2008 at Best Supporting Actress sa Asian Film Awards noong 2009 para sa pelikulang “Serbis.”

The post Gina Pareño: Pasado ba ako ‘pag nag-audition ako sa Disney? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments