Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘The Boy Foretold By The Stars’ nina Adrian at Keann may part 2

MABENTA ang “The Boy Foretold by the Stars” pillows na available na ngayon sa online dahil magaganda ang apat na disensyong ginamit.

Tulad na lang ng litratong magkasamang nakaupo sina Dominic (Adrian Lindayag) at Luke (Keann Johnson) at nakatingin sa mga bituin, ang magkaharap sa pagitan ng kandila habang nasa ground sila during the retreat, ang studio pictorial at ang kuha sa virtual Parade of the Stars at lanyard o sabitan ng ID.

Bukas, Enero 8 ang huling araw para sa Metro Manila Film Festival na mapapanood sa Upstream.ph. At pagsapit ng Enero 9, sa KTX.ph na mapapanood ang “The Boy Foretold by the Stars.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay may meeting ang isa sa Clever Minds producer na si Omar Sortijas sa theater owners para sa pagpapalabas sa mga sinehan ng pelikulang idinirek ni Dolly Lulu.

Nabanggit sa amin ni Omar na nagtatanong na ang Ayala Malls at SM Cinemas kung kailan ipalalabas ang pelikula sa mga sinehan nila.

At dahil maraming magagandang reviews base na rin sa mga nakapanood nito ay nagpadala sila ng mensahe sa mga producer bukod sa mga ipinost sa social media na sana’y magkaroon ng sequel ang love story nina Dominic at Luke.

Kaya tinanong namin si Omar kung may sequel nga ba ang “The Boy Foretold by the Stars”, “Yes!” tipid na sagot sa amin.

Ang taray! Kaya sa mga sumusuporta sa loveteam nina Dominic at Luke, abang-abang na dahil bukod dito ay may mga susunod pa silang mga pasabog.

The post ‘The Boy Foretold By The Stars’ nina Adrian at Keann may part 2 appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments