Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Janella, Markus wala pang balak magpakasal: Yung focus namin is to raise Baby Jude muna

WALA pang kasalang magaganap sa pagitan nina Markus Patterson at Janella Salvador dahil mas gusto muna nilang mag-focus bilang parents kay Baby Jude.
Sa panayam ni MJ Felipe kay Janella sa “TV Patrol” ipinaliwanag ng magkasintahan kung bakit ganito ang naging desisyon nila.
“Wala pa, hindi pa kami nagmamadali about that. For now, ‘yung focus namin is to raise Jude muna,” sambit ni Janella.
Noong Okt. 20, 2020 isinilang ni Janella si Baby Jude Trevor Salvador Paterson sa United Kingdom sa timbang na 7.8 lbs. at nagpaliwanag ang aktres kung bakit muna nila itinago ni Markus ang anak.
“I wasn’t hiding it for selfish reasons. I wanted to hide it because I wanted to cherish the moment in my life, na first time ko maging mom. Iyong wala munang ingay, ‘yung may sarili muna akong moment to enjoy it.
“It was really hard. I was getting comments na, ‘Kinahihiya mo ba? Hindi ka ba proud?’ I don’t think any mom would want to hide his or her baby,” paliwanag ni Janella.
Dagdag pa ng aktres, “I was so praning with the people na nakakausap ko kasi, siyempre I won’t let it pass it on to my baby.  Thank God hindi kami nagka-COVID, we were safe but it was scary.”
Ang ayaw na ayaw daw kainin ni Janella noong buntis siya ay sisig, pero ngayon ay okay na siya sa famous Kapampangan dish, “Kapag naiisip ko ‘yung sisig, nasusuka na ako. Ngayon okay na ako sa sisig game na ako (kumain),” natawang sambit ng aktres.
Nabanggit din ng mommy ni Baby Jude na nagpapasalamat siya na nandoon ang nanay niyang si Jenine Desiderio na buhos ang suporta sa kanya at nag-aalaga rin sa first apo.
At siyempre, sobrang appreciated din ni Janella si Markus na laging nasa tabi niya, “Markus is really helpful as a father and as a partner both because emotionally, he was there to support me.
“He would be my arms and legs during my last few stages of pregnancy, hindi ako makatayo hirap na hirap na akong maglakad.  Wala siyang reklamo.  He will do everything for me and I couldn’t ask for more,” papuri ni Janella sa tatay ng anak.
Sa kasalukuyan ay hindi pa nagsabi si Janella kung kailan sila uuwi ng Pilipinas, ang siniguro lang niya ay dito sa bansa pabibinyagan ang anak at ang ilan sa mga nabanggit na ninang ay sina Erich Gonzales, Liza Soberano, Maja Salvador, Kyle Echarri at ilang now showbiz friends nila ni Markus.
Nabanggit ding nag-o-organize ng baby shower si Liza, “She organized a surprise baby shower for me, napaka-sweet niya talaga,” saad pa.
Naibahagi rin ng mama ni Baby Jude na natuto na siya ng mga gawaing bahay tulad ng paglalaba.

The post Janella, Markus wala pang balak magpakasal: Yung focus namin is to raise Baby Jude muna appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments