Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Pokwang, Lee O’Brian nabiktima ng sindikato sa FB: Mga manggagantso! Wag ganu’n!

TINAWAG na manggagantso ng TV host-comedienne na si Pokwang ang isang netizen na gumagamit sa kanyang pangalan para makapanloko ng mga inosenteng tao.

Ibinuking ni Pokey ang modus operandi ng isang Instagram user para sa pagpo-promote ng isang dating site gamit ang kanyang pangalan at ng partner niyang si Lee O’Brian.

Ayon sa post ng netizen kung saan naka-tag ang Facebook group na “Filipino Women looking for Foreign Husband”, nakilala umano ni Pokwang sa nasabing dating website si Lee at tatay ng kanyang anak na si Malia.

Sabi pa sa Facebook post nito, safe na safe raw ang nasabing site para sa lahat ng mga Pinay na gustong makapag-asawa ng foreigner tulad ng Koreano, Amerikano at European.

Nang makarating kay Pokwang ang nasabing raket sa socmed, agad niyang ipinost sa Instagram ang screenshot ng mensahe ng nasabing netizen at pinabulaanan na may kinalaman sila sa nabanggit na dating website.

Ayon sa komedyana, wala silang konek dito ni Lee at hindi rin nila pino-promote ang nasabing website dahil unang-una hindi sila nagkakilala sa pamamagitan ng online dating.

“Hindi ko po sia friend at hindi po kami sa dating site nagkakilala ni papang @leeobrian,” ang ipinagdiinan ni Pokwang sa caption ng kanyang IG post.

Paglilinaw pa ng komedyana, “Sa movie po kami nagkakilala ang Edsa Woolworth na produced ng TFC at directed by @johndlazatin.”

Ang tinutukoy ni Pokey ay ang pelikulang “Edsa Woolworth” ng TFC na ipinalabas noong 2014. Dito na-develop ang pagmamahalan nila ni Lee hanggang sa magsama na nga at biniyayaan ng isang napaka-cute na anak.

At sa huli nga, binalaan niya ang mga sindikato sa social media na tigilan na ang pambibiktikma ng mga inosenteng tao, “Mga mag gagantso!!!! wag ganon!!!!”

Nanawagan pa siya sa National Bureau of Investigation o NBI para ipahanap at parusahan ang nasabing netizen.

The post Pokwang, Lee O’Brian nabiktima ng sindikato sa FB: Mga manggagantso! Wag ganu’n! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments